34

1.4K 37 0
                                    

Bakas sa mukha ni Dale ang pagkagulat sa sinabi ni Kuya kahit ako rin ay hindi ko maiwasag malaglag ang panga sa narinig. Alam kong may hindi sila pagkakaunawaan base na rin sa ikinikilos nila tuwing nakakasalubong namin si Dale kapag hinahatid ako ni Kuya sa site. Pero nakakagulat na sa kanilang dalawa ay si Kuya ang unang nagbaba ng pride at niyaya ang dati niyang kaibigan.

Tiningnan ko ang ekspresyon na nakaplaster ngayon sa mukha ni Dale. Halata sa kanya ang pag-iisip sa maaaring pag-unlak sa imbitasyon ni Kuya sa bahay. Tumingin siya saglit sa akin ng mapansin ang mapanuring tingin ko.

"I won't take no for an answer, Dale. Pumasok na tayo at lalamig pa ang pinahanda kong pagkain." saad ni Kuya at nauna ng maglakad papasok sa bahay. Nilingon ko siya at tiningnan niya ako na animoy hinihintay ang magiging pasya ko.

"Pwede ko namang sabihin kay Kuya na ayaw mo?" nag-aalinlangan at mahinang sambit ko sa kanya.

Hindi ko naman kasi siya pwedeng pilitin na kumain sa bahay. Baka mamaya ay may gathering pala sila sa village nila o di kaya'y may importante pa siyang dapat puntahan. Masyado ko na siyang naabala dahil sa paghatid niya sa akin at ayokong masanay muli sa kanya.

"It's fine, Elysse. Let's jus go inside." sagot niya sa akin. Tumango naman ako at hindi na umimik pa dahil baka kung ano pa ang masabi ko.

Nagsimula na akong maglakad papasok ng bahay at nakita ko namang naglakad na siya upang masabayan ako. Naalala ko ang huling punta niya dito ay maayos pa ang lahat at nagsisimula pa lang ang pagkagusto ko sa kanya. Hinatid niya ako sa bahay dahil hinintay kong matapos ang pasok niya. Iyon ang unang beses na nakisalo siya sa amin sa pagkain dito sa bahay kahit na lagi naman siya dito. Dad is fond of him and even offered a job for him to renovate our law firm kahit na ito ay nasa 3rd year pa lang.

"Are you sure that you do not have any meetings or family dinner to attend to?" tanong ko ng makapasok na kami sa bahay.

Nakita kong iginala niya ang mga mata sa kabuuan ng bahay namin ng lingunin ko siya. Siguro ay tinitingnan kung may pinagbago ba dito o kung ganon parin ang itsura nito. Our house is not that old yet pero kung ikukumpura ito sa mga bagong disenyo ng bahay ngayon ay medyo napag-iiwanan na ito.

I wasn't here for 2 years and perhaps, hindi na naisip pa ni Daddy na iparenovate ito maliban sa kitchen namin. I like it that way dahil maraming magaganda at malulungkot na memories ang bahay na ito at I believe that renovating it would just make those memories go away.

"I told you that hindi na ako umuuwi sa amin." nanantya na sagot niya. Kinagat ko ang labi ko at nagtungo na sa kusina kung saan abala ang mga katulong namin sa paglalapag ng mga pagkain.

"Ate Nicole." bati ko sa babaeng nakaupo sa hapag kainan. Ate Nicole is nice, pretty and basically her whole appearance screams Kuya's type. Tumayo naman siya para yakapin ako at sumulyap ng bahagya sa kasama ko.

"Ah, Ate Nicole si Architect Dale Montenegro." pormal kong pakilala sa kanya at nakipag-kamay naman si Dale.

"Nice meeting you, Architect."

Iginiya na ni Kuya ang mga upuan ng pumasok siya muli sa hapag kainan. Ipinaghila naman ako ni Dale ng upuan kaya wala akong nagawa kundi maupo ng hindi tinitingnan si Kuya at Ate Nicole.

Nagsimula ng kumuha ng pagkain si Kuya at ipinaikot na ito sa amin. Sobrang tahimik at awkward ng hangin sa pagitan naming apat. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya kahit gustong gusto ko ng magsalita ay hindi ko ginawa. Nagpokus na lamang ako sa pagkuha ng pagkain.

Liningon ko si Dale ng iabot ko sa kanya ang ulam at nakita kong nakanguso siya habang nakatingin sa nilagay kong pagkain. Nagulat ako ng dagdagan niya ang ulam ko at sumandok din siya ng kanin.

Desired (Montenegro Series #3)Where stories live. Discover now