SIMULA

4.7K 51 0
                                    

Halos hindi magkamayaw ang tao dito sa loob ng club na dinaluhan namin ng kuya ko. Nagpapantig na ang tenga ko sa sobrang lakas ng tugtog at parang wala naman naiirita o kung ano dahil dito. Gustuhin ko mang umalis but my kuya will not allow me.

Okay lang naman na nandito ako. I go to parties as well. Siguro namulat narin sa mga kaibigan nung senior high school. I actually know some of the people here. I just don't like big crowds like this. Unlike my kuya, who's a party animal.

I don't know if birthday ng isang kaibigan niya ang pupuntahan niya o hindi. But one thing's for sure yun lang ang dinahilan niya dahil hindi siya pinayagan ni Dad na sumama unless kasama ako. Dad knows that when I'm with him, he will not drink too much because he needed to get us home safely. Para akong ticket niya sa mga kalokohan niya kaya narito ako ngayon kahit wala akong balak magbar.

"Pwede ka naman kasing umalis ng wala ako." medyo malakas na saad ko habang naglalakad kami papunta sa mga kaibigan niya ata. Sobrang dami kasi talagang tao ngayon dito.

"You do know that Dad has eyes everywhere, Elysse. Hindi tayo pwedeng basta basta." he slightly lean in to say that to me. Umirap naman ako at nagpatianod sa kanya. I guess, I don't have a choice. Lagi naman.

"Besides, mas maigi na may makilala kang mga kaibigan ko. For future purposes." dagdag niya. He always do this for all I know gusto niya lang na may makakapagsabi sa kanya ng whereabouts ko.

Close kami ni Kuya at sa sobrang close namin ay alam niya kung saan ako pumupunta. It is annoying, yes pero hindi naman ako nagrereklamo because I use it to my advantage minsan.

Kaunting lakad pa ang ginawa naming dalawa hanggang sa mapansin ko ang medyo malaking kumpol ng tao sa isang table. Agad na napatingin ang mga taong nandon ng makalapit na kami.

"Buti naman at dumating kang ugok ka." sabi ng isang morenong matangkad na lalaki. Siguro hanggang balikat niya lang ako. May mapaglarong ngiti ito sa kanyang labi na ikinagwapo niya.

"Kailangan pang magpaalam eh. Atsaka parang hindi ka late nung nakaraan, Kian." bati ng kapatid ko at nagyakapan sila. Gwapo rin naman ang Kuya ko pero para sa akin mas gwapo ang kausap niya ngayon. Sorry, Kuya.

"Ooh, who do we have here? Girlfriend mo?" agad naman akong napasimangot sa sinabi niya.

"Hindi, kapatid ko. Elysse, si Kian." the Kian guy lent out his hands in front of me and I kindly accepted it with a smile.

"Ah, ito pala yung pinagseselosan ng nililigawan." sabi nito habang tumatawa. "Tara, ipapakilala kita." sabi niya at nagulat naman ako ng hilahin niya ako. I look back at Kuya and he just shrugs bago nakihalubilo sa mga iba pang tao sa may table. Walang kwenta.

"Ito si Johan, kambal ko." turo niya sa isang lalaki na medyo hawig niya, gwapo pero maputi ito. Hindi katulad ng kasama ko ngayon na moreno ang kulay. Mas matangkad ata ito kaysa kay Kian. Tiningnan ko ang kasama ko at napagtantong hawig sila na hindi. Nginitian ko ito at umiling naman siya sa kapatid niya.

"This is Salem. Off limits. Fuck boy." pakilala niya ulit sa akin sa isang lalaki.

"Gago." sagot naman ng medyo morenong lalaki at medyo mas matangkad kay Kian. May pagka-badboy look ito pero gwapo naman. May mga mapungay siyang mga mata na paniguradong gusto ng mga kababaihan. Tinanguan niya ako at ngumiti naman ako sa kanya ng tipid.

"This is Irish, bebe ko." nakatanggap naman siya ng kurot sa babae kaya hindi ko maiwasang matawa. Pakilala niya sa isang babae na may medyo maikling buhok.

"Bestfriend niya si Sav, magiging asawa niya yung pinakilala ko kanina. Si Carson din." kumaway naman ako na sinuklian naman nilang dalawa. Si Sav ata ay yung maputi at medyo chinita yung mata. Samantalang si Carson ay morena at may nakakaakit na mga mata.

Desired (Montenegro Series #3)Where stories live. Discover now