CHAPTER 2

27 3 0
                                    

ZIREINA

'Psshhh! Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to! Hindi nya talaga kilala kung sinong kausap niya'

Natahimik ang buong klase dahil sa sigawan namin ni Jeal Riley Vierquinn apo ng may ari nitong school na pinapasukan namin

"Apo ka lang---

"Anong apo tanga ka ba!? Anak ako ng may ari---

"Kung gano'n ay hindi pa rin sa'yo ang klasrum na 'to at ang buong parte eskwelahang ito" sarkastikong sabi ko

Bakas sa mukha ni Jeal Riley Vierquinn ang galit

'Ow no! Siya lang naman ang anak ng may ari ng School na 'to. And she's the one and only School President'

"Do you know who I am? Bitch!" ani Riley ang atensyon ay na kay Tania na naman

Napatayo ako bigla at halos manlaki ang mata ko nang makita ang gagawin ni Riley sa kanya

"Stop it Riley! She's reading a book" awat ng kaibigan n'yang si Raphiel Vermillion

Nanlaki ang mata ko nang hawakan ni Raphiel ang kamay ni Riley

"Mind your own business Raphi ano ba---

"Ano ba talagang hindi ka natapos sa babaeng 'yan! Wala ngang atraso 'yan sa'yo e!" awat ko sa kaniya

"You'll pay for this ugly bitch!" pahabol pa ni Riley sisipain nya pa sana si Titania ng kaladkadin na sya palabas ni Raphiel

Anong ugly bitch ka d'yan!? Hindi naman panget si Satania mas maayos pa ng mukha n'ya sa ugali mo e! Siraulong babaeng 'to'

"Malakas ba saltik nun sa ulo?" dinig kong tanong ni Tania alam kung ako ang kinakausap n'ya

"Hindi lang malakas" sagot ko sa kaniya "Sobrang lakas lang akalain mo 'yon inagaw na nga upuan mo sinampal ka pa n'ya ng libro gago talaga! Talagang hindi pa nakuntento e sarili n'ya pinapahiya n'ya sa ginagawa n'ya"

Nilingon ko si Tania na nasa libro na naman anh atensyon

'Ano ba naman 'tong babaeng 'to sinisigawan at sinasaktan na ng lahat nasa libro pa rin ang atensyon n'ya. Unbelievable'

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya tinanguan lang ako nito "Kakagaling mo lang sa clinic pababalikin ka na naman ata ng gunggong na 'yon e no"

"Gan'yan na talaga s'ya" dinig kong sabi ng katabi ko iyong bagong kaklase din namin na kasama no'ng dalawang bugok na lumabas kanina.

"Sino?" tanong ko sa kaniya

"Si Riley" napabuntong hinga na lang ito "Mahilig sa gulo simula no'ng iwan s'ya ni Aelia"

"Hindi sapat na reason 'yon para manakit at manigaw s'ya ng tao pati respeto wala na din s'ya e. Akalain mong Student Council President pala kingina hindi man lang umakto ayon sa posisyon n'ya" sabi ko

" Nga pala you're Zireina right?"

"H-Ha?" naguguluhang tanong ko

"Ang sabi ko si Zireina ka di'ba?" aniya

"Finally! Classmate na tayo and I saw you in person pa" aniya na ikinakunot ng noo ko

Napakurap kurap ang mata ko dahil sa sinabi nya 'Anong she saw me in person daw?' nagtatakang nilingon ko sya

'Ano bang sinasabi ng babaeng 'to tsaka sino ba 'to? Kung makapag salita at maka arte naman ito akala mo artista ako e 'no'

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan Unnie"

Nanlaki ang mata ko dahil sa nairinig ko 'Ano daw? Ano daw? U-Unn--- ano daw parang hindi matanggap ng tenga ko'

Agad na pinag Krus ko ang dalawang hintuturo ko at itinutok to sa kanya "S-Sino ka?" kumunot ang noo nya

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now