"That's it."

Mariin akong napapikit. Wala na kaming pagpipilian.

"Alright."

"But that's not it. You're not going to be my prisoners at all, but my servants."

"W-What?" sabat kong muli.

"Come on, this is not a free ride," kibit balikat na sagot ni Howl.

"But you told us that the train is the one inviting the creatures. This is beyond our choice..."

"Hmm... I forgot to tell. If my train can invite creatures, I can kick out."

Umawang ang bibig ko. This asshole.

"Servants like? I can't do the cleaning," pagsali ni Tavion.

"Tavion Gazellian!"

Sa pagkakataong iyon ay si Howl naman ang napasipol. Kapwa kami napalingon ni Tavion sa reaksyong iyon ni Howl. Saglit kaming nagkatitigan ni Tavion, at alam kong iisa lang ang iniisip namin.

Howl knew something more-about the name Gazellian.

"Hmm... sort of cleaning."

Nang ipitik ni Howl ang kanyang ilang daliri, kusang nabuksan ang rehas at wala siyang pangambang humakbang ng ilan paatras upang bigyan kami ng daan ni Tavion.

At nang sandaling nasa labas na kami ng rehas, muli niyang ipinitik ang kanyang dalawang daliri, sa isang iglap ay naroon na kaming sa bubong ng kanyang mahabang sasakyan.

Kumpara sa kagubatan kung saan ko unang nakita ang sasakyang ito na nagtataasang puno lamang ang madaraanan, ngayon sobrang laki ng pinagkaiba nito.

Napakalakas ng hangin. Si Tavion ay sinubukan akong alalayan ngunit tinabig ko ang mga kamay niya.

Kasalukuyan kaming nababalot ng kadiliman at ang tanging liwanag na siyang aming nakikita'y nagmumula sa atake ng mga tagasunod niya. Nanlaki ang mga mata ko nang tamaan ng atake ang isang malaking ahas na muntik ng bumagsak sa harapan ng sasakyan.

A giant snake!

"Wow!" humahangang sabi ni Tavion.

"You see... I am running out of aides for a while. Most of them are on vacation... my train is traveling in different kinds of world and this situation is quite usual."

"You mean..." marahan kong itinuro ang mga umaatakeng naglalakihang hayop sa paligid ng mahabang sasakyan habang pilit itong pinuprotektahan ng mga tagasunod nila.

"You can stay here outside. Help my servants."

"W-What? How about you?!" sigaw ko nang sandaling talikuran na kami ni Howl. Sa sobrang lakas na hangin, hindi man lang tangayin iyong damit niyang basta na lang nakapatong sa balikat niya.

He casually waved his hand.

"I am the master of this train. Of course, I will drink wine and watch. Stay alive if you want to enter my world."

Nang sandaling mabuksan ang bubong ay tumalon na roon si Howl. Saglit akong napatulala sa pinagtalunan niya bago ako matauhan at makitang nag-iinat na si Tavion.

I remember... what is his vampire gift? Kilala ang magkakapatid na Gazellian sa kakaiba nilang mga kapangyarihan.

"Are you going to change your form?"

Gumala ang mga mata ko sa paligid. Pansin kong kapwa na nahihirapan ang mga tagasunod ni Howl at hindi man lang siya tumulong!

That damn heartless man!

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Where stories live. Discover now