Tumango na lamang ako sa kanya. Bago ako tumanaw sa labas ng bintana. Ang siyang unang tumama sa aking mga mata'y ang sikat ng araw. Saglit kong inangat ang isa kong kamay upang harangan ang tumatamang liwanag sa aking mukha, ngunit kusa ko rin iginalaw ang ilang daliri ko upang direktang tumama ang kaunting parte ng liwanag sa aking mga mata.

I know how werewolves' eyes turned golden when the sun touches it. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na namang naalala ang gabing iyon.

How his silver-grayish hair glittered with the moonlight, how his arms wrapped around my waist and his lips met mine.

A knock on the window abrupt my thoughts. Dalawang beses niya pa iyong inulit habang nakangisi sa akin. Caleb's silver-grayish hair turned into glistening white as the sun touches it.

"Hey..."

Magsasalita na sana ako at kusa nang bubuka ang mga labi ko para sagutin siya nang nag-iwas ako ng tingin.

"Hey... suplada!"

Sa huli ay nakapasok din siya sa karwahe, nag-alok siya ng prutas sa akin at kay Reyna Leticia.

"Nasaan si Divina?"

"Force feeding Rosh, nagsusubuan sila ng mansanas," nakangising sabi ni Caleb habang nakatitig sa akin. Saglit na natawa si Reyna Leticia.

"Eat up, matagal pa ang biyahe natin," kumindat siya sa akin bago niya kami iniwan muli ni Leticia.

Our push and pull relationship continued as our journey to the mysterious cave head-on. Sina Lucas at Adam na mismo ang siyang nagsabi sa akin na kailanman ay hindi ko malalabanan ang taling nagdudugtong sa akin at sa lalaking itinakda sa akin, mapa-bampira man ito o kaya'y lobo. But the pull wasn't as powerful enough without marking each other.

Kung si Caleb nga ang siyang itinakda sa akin at nagagawa ko pa siyang ipagtulakan sa ngayon, ano na lang ang mangyayari sa akin kung higit pa sa halik ang naganap nang gabing iyon?

Ang buong atensyon ko'y muli kong ibinuhos sa paglalakbay, ngunit ang simpleng mga salita at desisyon ni Caleb ang siyang nagdadala ng aking mga mata at tainga sa kanya.

How could he be this carefree in this situation? Saan nanggaling ang kanyang ganoon karakter na hindi likas sa isang bampira? Vampires are known for being firm, cold, quiet, and delicate. Halos lahat ng kilos at galaw nila'y tipid at pinag-iisipan. Ngunit sa paglalakbay kong ito, I noticed how different Caleb Lancelot Gazellian.

Taliwas sa paniniwala ko sa mga bampira...

Kaya nang sandaling ako na mismo ang siyang lumapit sa kanya, ilang gabi bago namin tuluyang marating ang kweba'y bakas ang matinding pagkagulat niya. He was busy washing his hands on the river, when I managed to sneak away from the group and follow him.

Pinanatili ko ang sarili kong nakansandal sa mataas na puno sa likuran niya.

"Caleb..."

Napatayo siya nang marinig ang boses ko at nang sandaling lumingon siya sa akin at makita ang posisyon ko, nirespeto niya ang distansyang nais ko. Hindi ako umalis sa pagkakasandal ko sa puno at ganoon din siya sa pagkakatayo malapit sa ilog.

Tipid niyang pinunasan ng puting panyo ang kamay niya at hinintay niyang magsalita ako. I never wanted to talk about the kiss that night. Gusto ko lang linawin ang intensyon niya sa akin.

"W-Why are you doing this? Wala akong maramdaman. Nagkakamali ka lang..."

"Y-You have my father's relics, Iris. This mission leads me to you."

Umawang ang bibig ko. "J-Just like that? You're a fucking Gazellian! Kahit sa lobong katulad ko'y umabot sa akin kung gaano katindi ang koneksyon n'yo sa mga itinakda sa inyo. This pull between us is weak... maybe you're like this because of the idea that I have the-"

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang