Kaya lang ang ending pinababa ako nung bus. Ayusin ko daw muna utak ko. Di ba nakakainis talaga. Ito pa ang sumunod na nangyari.

Naglalakad ako ngayon dahil di ko alam saan ako sasakay. Napahinto ako ng may maalala ako! Yah sa jeep nga pala kami sumakay kanina ni Sarah. Tanga. Bakit ba ako nasakay ng bus?

Iniisip niyo bakit di ko tawagan si Sarah para hindi na ako mabaliw kakaisip paano ako makakauwi nu? NAisip ko na yan kanina! Kaso LOWBAT na iyon cp ko! Badtrip nga eh. Kaya naman naghanap ako ng Jeep kaso ang haba na ng nalakad ko wala naman akong nakitang Jeep.

At kung paano ako naka-uwi? Takte nag-dora the explorer ako. Maniwala nalang kayo dahil tinatamad na kasi ako sabihin na may classmate akong nakakita saken at iyon ay ang class President namin at sinamahan niya ako sa pag-uwi.

See? Ang badtrip ng araw ko kahapon. Hagardo ako. At lahat iyon kasalanan ng Gwapo sa likod ko. Isama na ang magaling na si Sarah na nakipag-solo date lang pala doon sa lalaking pula ang buhok.

PE na namin ngayon at andito kami sa Gym. Nakaupo kami dito sa may court habang hinihinatay namin na magsabi na si Sir na start na ng class niya. Nakapalibot saken ang apat. At ang mga tingin nila parang pang-tanga.

"Cha may gusto ka ba i-share sa amin?!" Ngiting-ngiting tanong ni Ange na may pabunggo-bunggo balikat pa saken. Katabi ko kasi siya.

"=_____=" Nakatingin lang lang ako sa kanila. Wala naman kasi akong gustong sabihin sa kanila.

"Level up na ba kayo ni Leader?" Si Luisa na nakangiting nakatingin rin saken.

"Tsk. Sino bang leader? Trending ba iyan? =_______=" Kahapon pa kasi iyang word na Leader na iyan pinaparinig saken. Nakakaumay na. Baka nga trending kaya lahat sila nakikiuso.

"Naku naman Cha! Hindi mo kilala si Leader?! Seryoso?!" Sabay nilang tanong.

Magtatanong ba ako kung kilala ko. "Tsk. Leader ba iyan ng ano? =________="

"Oh my gosh! Si Leader ay ang leader ng RP's Cha! At siya ay si Prince Minhyun Hwang!" Pasinghap na sabi ni Sarah na parang awang-awa saken dahil sa hindi ko alam pinagsasabi nila.

Iyan na naman RP's na naman. Tapos Prince Minhyun. Parang narinig ko iyan kahapon ah! Tama siya yata iyong pinag-uusapan nung mga babae doon sa CR ng jobee. O baka kapangalan lang?

"Sino iyong Prince Minhyun? Prinsepe ng anong bansa iyon? O baka pangalan niya lang ang Prince? =_________=" Hayan magtatanong na ako. Lagi na kasi akong napag-iiwanan eh. Saka curious na ako sa RP na iyan huh. Wala naman masama alamin ko na ngayon di ba.

"Hahaha. Cha talaga." Natatawa nilang sabi saka nagsipag-hi 5 sa isa't-isa.

"Hindi niya name ang Prince. Hindi rin siya prinsepe ng kahit na anong bansa. Okay Cha makinig ka. Ang mga member kasi ng Royalty Princes ay tinatawag namin na Prince. Like Prince Minhyun tapos Prince Ren... ganun. Pero si Prince Minhyun dahil siya ang Leader kaya Leader na ang tawag sa kanya ng iba. Gets?" Salaysay ni Sarah.

"=________=" So mga feelingero pala ang mga iyon? Mga pekeng prince lang pala. Tsk.

"So ngayon Cha kamusta ang date niyo ni Leader kahapon?" Tanong na naman nila.

"Hindi ko nga kilala iyong Leader na iyan. =_______=" Ano ba itong mga ito! Pinipilt ako sa date na iyan. Eh di ko pa nga kilala iyong Leader na iyan eh. Saka ano ba iyang date na pinupush nila? Kasama ko kaya iyang si Sarah kahapon kaso iniwan ako. Ganyan naman iyan eh. Mahilig mang-iwan.

Sabay-sabay silang napatampal sa noo nila.

"Suko na ako." Ange.

"Ang slow talaga. Ayaw ko na mag-explain." Nakangusong sabi ni Sarah.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now