Chapter 37 - Napakatanga

Magsimula sa umpisa
                                    

 

Lalo ako napasimangot sa sinabi niya. Ipaalala pa talaga ang bagay na yun.

"Oh my God Diana. Don't tell me kaya ka naiinis dahil hindi ka na pinapansin ni James? Oh my God!!!! Oh my God!!!!! Do you like him?"

 

"Of course not. Huwag ka ngang sumigaw, mamaya may makarinig pa sa'yo eh. Tsaka hindi pa ako nasisiraan ng bait para magkagusto sa conceited na yun. ."

 

"Weehhhh. Eh bakit ka nga naiinis ng ganyan? Kung hindi mo siya gusto ewan ko na lang kung ano yan."

 

"Ewan ko sa'yo Charlotte. Kung anu-anong pinagsasabi mo diyan. Bakit naman ako magkakagusto dun? Eh wala ngang ginawa yun kung hindi pahirapan at asarin ako."

 

"Exactly. Palagi ka niyang inaasar to the point na namimiss mo siya. Tsaka bakit ka naman hindi magkakagusto sa kanya eh ang gwapo kaya niya."

 

"Tumigil ka nga diyan. Kung anu-anong naiisip mo. Baka nasobrahan ka lang sa pagod."

 

Tinalikuran ko na agad siya. Pumunta ako sa comfort room. Pumasok sa isang cubicle. Nang maisara ko na ang pinto ay napahawak ako bigla sa dibdib ko. Langhiya, bakit ganito kalakas ang kabog nito. Parang hindi na ako makahinga kanina. Tsaka nanginginig din ang tuhod ko.

Oh God. Ito na naman tong feeling na to. Iyong feeling na naghihina ka at gusto mo nang maupo. Iyong si Charlotte kasi eh. Kung anu-anong pinagsasabi. May gusto ako sa ungas na yun? Huh. Imposible. Imposible talaga raised to the power of infinity pa. Magunaw pa ang mundo hinding-hindi mangyayari yun.

Ang pangit kaya ng ugali nang abnoy na yun. Conceited, narcisisstic, selfish, arrogant, bossy tsaka madami pang iba. Too many to mention kung baga. Lahat yata ng masamang characteristics nasa kanya. Wala man lang maganda. Wait meron nga pala. Gwapo nga pala siya. Sobrang gwapo. Magpakatotoo na tayo. Pero yun lang yun. Gwapo lang siya wala ng iba.

 Aanhin ko ang kagawapuhan niya kung sobrang pangit naman ng kalooban niya.

Oh di ba. Galing kong tumula. Kaya iyong sinasabi ni Charlotte, imposible talagang mangyari.

Wala kang gusto sa kanya Diana.

Wala kang gusto sa kanya.

Wala.

Wala.

Wala.

Wala.

Wala.

Wala.

Walang-wala.

Ayan. Okay na ang lahat. Nalinawan na ba kayong lahat? Wala akong gusto sa kanya okay kaya huwag kayong matuwa diyan.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon