Chapter 10

43.8K 1.3K 641
                                    

YARELI'S POV

Buong lakas kong itinulak si River saka ako napabangon sa kama kaya natigil ang paghalik niya sa akin. Nagmulat siya ng mata at tinitigan ako na ngayon ay pulang-pula na ang buong mukha at sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib ko.

"B-Bakit mo 'yon ginawa? Alam mo ba na pati si Amir ay hinalikan na rin ako?" buong tapang kong tanong.

Tumango naman siya saka ngumiti. "I know. We like you, Yareli that's why we could help ourselves but to kissed you." pag-amin niya na ikinagulat ko.

"A-ano? Gusto niyo ako? Nagpapatawa ba kayo?" hindi ko makapaniwalang sabi.

Tinaasan naman niya ako ng kilay at prente itong sumandal sa headboard ng maliit kong kama. Humalukipkip ito at humikab pa. Mukhang medyo nawala na ang kaunting kalasingan niya.

"We're not kidding, Yareli. Simula nang makilala ka namin ay nagkagusto na kami sa'yo. Kaya gusto naming mas maging mapalapit sa'yo because my four brothers and I are obviously like you." sagot niya.

Sa sinabi niya ay sumakit lang ang ulo ko. Nagkagusto na kaagad sila sa akin sa maikling panahon lang?

Ang Steffano Brothers ay gusto ako? Pero paano nangyari iyon?

"Kapag gusto niyo ang isang babae, kailangan niyo ba talagang manghalik?" nahihiya kong sabi dahilan para tumawa ng mahina si River.

Hinila niya ako palapit sa kanya at siguro dahil sa nanlalambot ang mga tuhod ko sa ginawa niyang paghalik sa akin ay hindi na ako nakapalag pa. Hinapit niya ang bewang ko gamit ang isang braso niya at muli nitong isinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso niya. Kung seryoso man siyang gusto niya ako marahil ay totoo iyong nararamdaman niya dahil sa pagkakaalam ko mula sa mga pocketbooks na nababasa ko ay lumalakas ang tibok ng puso ng isang tao kapag kasama at kaharap nito ang taong gusto o mahal niya.

"Oo, at sa'yo lang naman namin ginagawa 'yon. I never felt this way before, Yareli. I'm sure that I already like you. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin naming umuwi sa Maynila at dahil 'yon sa'yo." mahinang sabi ni River at hinalikan nito ang tuktok ng ulo ko.

Wala akong masabi. Napaka straightforward pala ni River. Sa kanilang magkakapatid ay nakikita ko na siya ang nagpapaka kuya sa kanila dahil siya nga ang pinakamatanda sa kanila at siya rin iyong handang suwayin at hindi kunsintihin ang mga kapatid niya sa maling ginagawa ng mga ito.

"Remember what Irvin said? Kaya siya nagalit sa kaibigan mong si Ronnie at muntik na silang mag-away nun ay dahil nagseselos siya sa kanya." tumawa ng mahina si River at umiling pagkatapos.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganon ang ikinilos at sinabi ni Irvin kay Ronnie sa mall. Nagseselos pala ito dahil may gusto rin siya sa akin.

Hindi ko aakalain na magugustuhan ako ng Steffano Brothers at mukhang seryoso nga sila doon dahil hinalikan na ako nina River at Amir.

Hahalikan rin kaya ako nila Efraim, Irvin at Grant dahil gusto rin daw nila ako?

"H-hindi ba kayo hinahanap sa inyo? Wala rin ba kayong mga trabaho sa Maynila kaya pwede kayong magstay ng matagal dito sa San Felicidad?" Iniba ko nalang ang topic namin dahil masyado na akong naiilang sa mga inamin ni River.

"Efraim, Irvin and I are currently working pero nagleave muna kami ng ilang linggo pansamantala sa trabaho para lang magtagal pa dito sa San Felicidad so that we can always see you pero iniiwasan mo naman kami at hindi ka rin lumalabas dito sa bahay niyo." sumeryoso ang mukha niya at mukha ngang nagtatampo na ito.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora