Chapter 46

36.1K 992 221
                                    

YARELI'S POV

Nandito kami ngayon ni baby Hershe at mga Daddies niya sa Graduation Day ni Amir. Proud na proud ako para kay Amir dahil nakagraduate na siya ngayon ng kolehiyo.

Pagkaakyat ni Amir sa stage para tanggapin ang Diploma niya ay kaagad niya kaming tinawag ng mga kapatid niya para makapag-picture taking kami sa harapan ng stage. Ramdam ko naman na habang nasa stage kami ay halos lahat ng mga tao at estudyanteng grumaduate ay nakatutok sa amin.

Hindi na ako magtataka doon dahil bukod sa may kasama akong mga naggagwapuhan at matitipunong lalake ay kasama pa ako at si baby Hershe. Hindi nalang namin pinansin pa iyon at pagkatapos naming magpicture taking ay kaagad na kaming bumaba mula sa stage at bumalik na sa pwesto namin.

Kinarga ni Amir si baby Hershe na pilit inaabot ang suot niyang itim na toga na binigay naman ni Amir. May mga iilang kaklase ni Amir ang bumabati sa kanya at tinatanong kung sino ang batang karga niya, sinasabi naman ni Amir na anak niya ito kaya nagulat doon ang mga kaklase niya at hindi nila akalain na may anak na pala ito.

Napangiti naman ako doon dahil itinuturing na talagang anak ni Amir si baby Hershe kahit anak ito ng kuya River niya.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung umiyak ako ng todo dahil sa selos nang dahil sa panlalandi at paghalik ni Joanna kay River at sa biglaang pagdating ni Juancho sa bahay namin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit bigla nalang umalis si Juancho pagkatapos ng isang araw na pagtuloy niya sa bahay namin.

Ang sinabi lang niya ay may emergency pa raw na kailangan siyang asikasuhin sa San Felicidad kaya kinailangan niyang umuwi kaagad sa kanila pero bago pa man iyon ay napansin ko na nakabenda ang kaliwang palapulsuhan niya. Itatanong ko sana kung saan niya nakuha iyon pero kaagad na siyang umalis sa bahay na tila nagmamadali kaya hindi na ako nakapagtanong pa.

"Where do we eat after this?" tanong ni Grant habang nakaakbay sa akin.

"Ikaw, sunshine? Saan mo gustong kumain?" nakangiting tanong naman sa akin ni Amir.

"Ah, kahit saan nalang na gusto niyo." sagot ko.

"Okay, how about to our favorite Italian restaurant?" tanong ni Amir sa mga kapatid niya.

"Sounds great." sabi ni River na ngumiti rin.

"Amir, Congrats!"

Bigla ay may lumapit kay Amir na isang matangkad at morenong lalake na mukhang pamilyar sa akin. Nakipag-apir ito kay Amir at tinapik pa ang balikat niya.

"Congrats din, pre! Graduated na tayo kahit nag-online class lang ako nang dalawang taon." natatawa namang sabi ni Amir sa lalake.

"Namiss kana nga nung mga chicks mo, e. Sayang at nung 2nd year college lang tayo naging magkaklase." sabi naman nung lalake at nang mapatingin siya sa akin ay nanlaki ang mga mata nito.

"Yareli? Ikaw na ba 'yan?" gulat niyang tanong.

Nakumpirma ko na nga. Pamilyar sa akin ang lalakeng ito dahil si Enrique ito na isa rin sa kababata namin ni Ronnie. Nung mag first-year high school kami nila Ronnie ay nabalitaan nalang namin na lumipat na sa Maynila sila Enrique at ang pamilya niya dahil doon na raw sila mag-aaral at maninirahan.

"Enrique," sabi ko naman at nginitian siya.

Ang Steffano Brothers naman ay nakatingin sa amin ni Enrique nang may pagtataka habang si Amir naman ay nakakunot-noo na nakatingin sa amin.

"You knew each other?" tanong ni Amir kay Enrique.

Tumango naman si Enrique. "Kababata ko si Yareli sa probinsya namin sa San Felicidad. Hindi ko na nga siya nakita nang matagal dahil lumipat na kami dito ng pamilya ko sa Maynila nung mag 13 years old ako. Is she your wife? Anak niyo ba 'yang karga mo?" magiliw na tanong ni Enrique kay Amir.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now