Chapter 14

36.9K 1.1K 970
                                    

YARELI'S POV

Pinapasok ko na si Juancho sa bahay namin dahil kanina pa kami nilalamig sa labas matapos tumila ng ulan. Pagkarating namin sa sala ay nagulat ako nang makita sila Inay, Itay at Kuya Yasewah na seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Juancho.

"Sir Juancho, anong ginagawa mo dito? Hindi ba't ikinasal ka na ngayong araw sa anak ni Congressman Montecillo?" tanong ni Inay kay Juancho.

"Tumakas po ako sa kasal." nahihiya namang sabi ni Juancho kay Inay.

Hindi na nagsalita pa si Inay doon at kaagad itong lumapit kay Juancho. Alam ng pamilya ko na naging nobyo ko si Juancho pero hindi sila nagsasalita tungkol doon.

"Baka magkaskit ka pa niyan dahil nagpaulan kayo. Maligo na kayo ni Yareli at magpahinga ka muna dito. Pagpasensyahan mo na at maliit at masikip dito sa bahay namin." Paumanhin ni Inay.

"Okay lang po." magalang na sagot ni Juancho.

Bumaling naman sa akin si Itay. "Ikukuha siya ni Yasewah ng malinis na damit. Ikaw na ang bahalang mag-asikaso sa kanya, Yareli." sabi niya.

"Sige po, Itay." sagot ko.

Tumango lang sa akin si Itay at kaagad na itong umalis papunta sa kwarto niya. Walang imik na umalis rin si kuya Yasewah na sinundan naman ni Inay.

"I'm sorry kung naistorbo ko pa ang pamilya mo." paumanhin ni Juancho sa akin.

"Ayos lang 'yon. Mauna ka nang maligo. Kukuha lang muna ako ng malinis na towel para sa'yo." sabi ko.

"Thank you." sagot naman niya.

Kaagad naman akong nagpunta sa loob ng kwarto ko para kuhaan ng malinis na towel si Juancho. Kumuha ako ng isang kulay kahel na towel sa Orocan ko. Nang makuha ko na ito ay kaagad kong binalikan si Juancho. Hawak-hawak na niya ang isang malinis na pulang t-shirt at jogging pants na mukhang kay kuya Yasewah pa nanggaling. Inabot siguro iyon kanina ni kuya sa kanya.

Binigay ko naman kay Juancho ang malinis kong towel at sinamahan siya sa banyo namin na malapit sa kusina.

"Maligo ka na. Pagkatapos mo, ako naman ang susunod." nakangiting sabi ko.

Tumitig naman siya sa akin ng ilang segundo pagkatapos ay ngumiti rin ito. "Thank you again, Yareli." sabi niya at kaagad na itong pumasok sa loob ng banyo namin.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ngayon si Juancho sa bahay namin at tumakas ito sa kasal nila ng nobya niya. Mas pinili niya ako kaysa dito pero hindi ko alam kung bakit ngayon ay may kakaiba na sa nararamdaman ko para sa kanya.

Parang hindi na ito katulad ng dati.

Napailing nalang ako at muling bumalik sa loob ng kwarto ko para kumuha ng damit na isusuot ko at towel na gagamitin ko. Nang bumalik ako sa may kusina dala-dala ang mga damit at towel ko ay matiyaga kong hinintay si Juancho sa labas ng cr namin.

Ilang minuto lang ay lumabas na rin siya sa cr. Suot na nito ang kulay pulang t-shirt at itim na jogging pants ni kuya Yasewah. Bagay sa kanya ang damit ni kuya at kasya lang rin ito sa kanya. Halos magkasing tangkad at magkasing laki lang rin kasi sila ni kuya Yasewah.

Magulo at basa ang buhok nito habang nakasampay naman ang ginamit niyang towel sa balikat niya. Kahit bagong ligo siya ay ang gwapo pa rin niyang tignan.

"Nasa loob pala ng cr 'yung nabasa kong barong at pants. Ipapalaundry ko nalang-"

"Huwag ka nang mag-abala pa dyan. Lalabhan ko nalang 'yan." sagot ko kaagad.

"But-"

"Magpunta ka nalang sa kwarto ko at may suklay doon. Kulay blue ang kurtina sa may pintuan ko." sabi ko at muli siyang nginitian.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon