Chapter 44

35.7K 1K 332
                                    

Riverdale Steffano (26, 1st child)
Efraim Steffano (25, 2nd child)
Irvin Judaiah Steffano (23, 3rd child)
Grantvil Steffano (22, 4th child)
Amiricus Steffano (20, 5th child)

YARELI'S POV

Buong maghapon ay hindi ko pinansin si River. Ewan ko basta naiinis ako sa kanya! Nakita ko namang pati siya ay nabigla rin sa paghalik sa kanya ni Joanna kanina sa restaurant pero naiinis pa rin ako dahil inentertain at kinausap pa niya ang babaeng iyon.

May ideya naman siguro siyang pinagseselosan ko ang babaeng iyon pero pinapansin niya pa rin sa tuwing nakikita namin sila kasama ang kapatid nitong si Jordan.

Umaakto nga siguro ako na parang bata ngayon pero hindi ko maiwasang magselos at masaktan sa eksenang nakita ko kanina. Nabahiran na ng maduming laway ni Joanna ang labi ni River na mas lalo ko pang ikinainis.

Hindi ko alam kung ilang balde na ang nailuha ko habang nagkukulong ako dito sa loob ng kwarto namin. Nakaramdam rin ang Steffano Brothers lalo na si River na gusto ko munang mapag-isa ngayon. Ako lang ang mag-isa dito sa loob ng kwarto dahil si baby Hershe ay inaaliw ni Amir sa bakuran ng bahay.

Naalala ko na nabanggit pala sa akin ni Amir na kailangan naming umattend sa Graduation day niya sa susunod na linggo. Bachelor of Science in Business Administration major in Management ang kinuha niyang kurso at kapareho ito nang tinapos na kurso ni River. Gusto niya raw matulungan ang kapatid at mga magulang niya sa pagpapatakbo ng kompanya nila at syempre para na rin daw sa amin iyon ni baby Hershe. Nung na-admit sila Amir at ang mga kapatid niya sa ospital ay hindi ito tumigil sa pag-aaral. Nag-online class nalang ito habang nagpapagamot sa ospital.

Makalipas ng ilang oras ay kumalma na ako at wala na rin akong mailuha pa. Tinignan ko ang wall clock na nakasabit sa pader ng kwarto namin at alas sais na pala ng gabi. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas sa loob ng kwarto.

Hindi naman kasalanan ni River ang nangyari kanina kaya dapat lang rin na humingi ako ng tawad sa inaakto ko ngayon. Kung may kaiinisan at dapat akong kagalitan dapat ay si Joanna iyon na grabe kung makalandi kay River.

Nang bumaba ako ng hagdan ay naabutan ko mag-isa sa sala na nakaupo sa sofa si River na umiinom ng beer in can habang nanonood ng tv. Nakafocus ang mga mata niya sa tv pero nakikita ko ang malungkot at malalim niyang iniisip.

Nang mapansin na niya ako ay tila nagulat pa siya nang makita ako at kaagad akong nilapitan saka iginaya na maupo sa sofa katabi niya.

"Yareli, I'm sorry if I hurted you earlier. Hindi ko talaga alam na-"

"Okay na. Maayos na ako. Hindi mo 'yon kasalanan. Sorry rin kung umaakto ako ngayon na parang bata. H-hindi ko lang talaga mapigilan na magselos at mainis kanina." pag-amin ko at bumuntong-hininga ako.

Hinapit naman ni River ang baywang ko at tinitigan niya ako sa mga mata ko. "No. It's all my fault. Kinausap ko pa kasi si Joanna at hindi ko na napansin kanina na nagseselos ka pala sa aming dalawa. I didn't know that she had a hidden agenda on me dahil noong high school palang kami ay talagang magkaibigan lang kami at malapit sa isa't-isa. I trusted her but she wants to ruin our relationship." malungkot niyang sabi.

Sabi ko na nga ba at may ibang pakay talaga ang babaeng iyon! Sa una palang ay nahahalata ko na iyon lalo na kapag sinasamaan niya ako ng tingin.

Hinawakan ko nalang ang kamay ni River at nginitian siya. "Kalimutan nalang natin 'yung nangyari kanina. Okay?" sabi ko na ikinangiti rin niya.

"Okay. I love you, wife." sabi ni River at hinalikan nito ang noo ko. Sa pagtawag niya sa aking wife kahit hindi pa kami ikinakasal ay hindi ko naman mapigilang kiligin doon.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now