Chapter 48

37.7K 1.1K 687
                                    

Warning: SPG

YARELI'S POV

Makalipas ang dalawang linggo na pagtuloy namin sa San Felicidad matapos ang kasal namin ni River ay bumalik na rin kami sa bahay namin dito sa Maynila. Noong araw rin ng kasal ko ay may hindi magandang nangyari sa akin na kagagawan ng kababata kong si Jestin.

Matapos ang pangyayaring iyon ay nabalitaan ko na ang hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin si Jestin at nagpapagamot ito dahil sa mga natamo niyang sugat at pasa sa katawan na kagagawan ng apat na magkakapatid na Steffano.

Sa hindi ko naman inaasahan ay biglang sumulpot sa bahay namin ang asawa ni Jestin at dala nito ang anak nilang lalake na isang taong gulang na rin katulad ni baby Hershe. Humihingi ito ng tawad dahil sa ginawa ni Jestin sa akin.

Lumuhod sa harapan ko ang asawa ni Jestin at sinabi nitong huwag ko nang ipakulong ang asawa niya dahil wala na raw bubuhay sa anak nila kapag nangyari iyon. Itinakwil na rin daw kasi si Jestin ng mga magulang nito dahil sa gulo at problemang dinadala nito sa pamilya nila kaya siya nalang raw at ang kanilang anak ang tanging pamilya ni Jestin.

Nalaman ko rin na kasalukuyang buntis ang babae sa pangalawang anak nila ni Jestin. Bilang may mabuting puso at naaawa rin ako sa kalagayan nila ay sinabi ko nalang sa Steffano Brothers na huwag nang ituloy ang pagpapakulong kay Jestin kapag nakalabas na ito sa ospital. Tutol man ang magkakapatid sa naging desisyon ko ay pikit-mata nalang silang sumang-ayon sa akin at pinagbantaan ang asawa ni Jestin na kapag may ginawa ulit na masama sa akin si Jestin ay hinding-hindi na nila ito palalampasin pa.

Lubos namang nagpasalamat sa akin ang asawa ni Jestin nang dahil sa desisyon kong huwag na itong ipakulong. Napag-alaman ko rin na menor de edad pa ang babaeng ito sa edad niyang labing-pitong taong gulang.

Naaawa talaga ako sa asawa ni Jestin dahil halatang mahal na mahal siya nito at gagawin ang lahat para lang mabuo pa rin silang pamilya. Sana balang araw ay mapagtanto ni Jestin na napakabuti ng asawa niya at ang kapakanan pa rin niya ang iniisip nito kahit may nagagawa itong kasalanan sa kanila.

Sa ginawa ni Jestin sa akin ay hindi ko pa siya mapapatawad sa ngayon lalo na sa ginawa niya kina Ronnie at Mayet. Panahon nalang siguro ang makakapagdesisyon kung patatawarin ko pa ba siya sa kabila ng ginawa niya sa aming mga kaibigan niya.

Nasa mga magulang ngayon ng Steffano Brothers si baby Hershe at hiniram muna nila ito sa amin ng tatlong araw. Naaappreciate ko nga na pansamantala muna silang nagleave sa trabaho nila para lang maalagaan at matutukan nila ang apo nila. Natutuwa ako dahil lahat ng taong nasa paligid ni baby Hershe ay mahal na mahal siya at pinapahalagahan siya.

Nasa kanya-kanya na ring mga trabaho nila sila River, Irvin at Grant kaya kami lang nina Efraim at Amir ang nandito sa bahay. Si Amir ay nasa garahe ngayon dahil nililinis nito ang sarili niyang kotse na iniregalo sa kanya ni Tito Vince kinabukasan noong grumaduate siya ng kolehiyo.

Volkswagen Arteon R-line ang modelo ng kotseng iniregalo ni Tito Vince kay Amir na nagkakahalaga rin ng ilang milyon. Kahit papaano ay nabawasan ang pagtatampong nararamdaman ni Amir sa magulang niya dahil sa hindi pagdalo ng mga ito sa graduation day niya nang napag-alaman niyang si Tita Diana ang pumili ng kotseng iniregalo sa kanya ng Dad niya. Ngayon lang natuwa si Amir nang ganon sa mga magulang niya at nakikita ko na kahit hindi niya tunay na ina si Tita Diana ay napamahal na rin siya dito.

"Hi. I bought your favorite foods."

Napatingin ako kay Efraim na pumasok sa loob ng kwarto namin. May dala itong dalawang paper bags na may tatak na McDonalds. Alam ni Efraim na paborito ko iyon dahil una ko iyong natikman nang binilhan ako ni River niyon at dahil nagustuhan ko ang lasa ng pagkain sa McDonalds ay nirerequest ko na iyon sa Steffano Brothers sa tuwing gusto kong kumain nun.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon