Chapter 47

34.6K 1K 445
                                    

Krazy Jestin

YARELI'S POV

After 1 month..

Sa hiling ko ay sa San Felicidad kami ikinasal ni River. Sa San Felicidad church na kung saan ay iyon na ang kinalakihan kong simbahan at dahil miyembro si Inay ng choir doon ay kilala namin ang mga pari, sakristan, madre at iba pang mga miyembro sa simbahan.

Talagang pinaghandaan ng pamilya ni River ang kasal namin at sa tulong na rin nila Inay, Itay at kuya Yasewah. Simple lang ito at hindi gaanong magarbo. Hindi ko na mailarawan kung ano ang nangyari sa kasal namin ni River pero sa huli ay nagpalitan kami ng I do's at pagkatapos nun ay hinalikan namin ang isa't-isa sa harap ng altar.

Sa dami ng mga pagsubok, problema, sakit at hirap na naranasan ko ay posible pa pala na sumaya ako ng ganito. Tama nga ang naging desisyon ko na bigyan ang Steffano Brothers ng pagkakataon para makabawi sa lahat ng kasalanan nila akin at maalagaan at masuportahan rin nila si baby Hershe.

Ang reception ng kasal namin ay ginanap nalang sa bahay namin. Mabilis na naparenovate ni Efraim ang bahay namin at mas lalong gumanda at lumawak ito. Lubos naman akong nagpapasalamat sa tulong na ibinigay niya sa pamilya ko. Ang sabi naman ni Efraim ay wala lang iyon sa kanya dahil pamilya niya na rin ang pamilya ko at sa susunod na taon ay siya naman raw ang balak na magpakasal sa akin.

Hindi ko talaga maimagine na malalagyan ng limang singsing ang ring finger ko sa oras na mapakasalan ko ang limang magkakapatid. Kakaiba ang polyamory relationship na mayroon kami pero kung masaya naman raw kami dito ay walang masama doon. Higit sa lahat ay tama nang suportado at walang panghuhusga kaming nakukuha mula sa pamilya, mga kamag-anak at malalapit naming kaibigan sa sitwasyon na mayroon ako kasama ang Steffano Brothers.

Inaasiko namin nila Inay at Mayet ang mga dumarating pang mga bisita namin. Kasama na rin doon ang mga malalapit na kamag-anak ng pamilya Steffano na lumawas pa ng Maynila para lang makapunta sa kasal namin ni River.

Sila River, ang mga kapatid niya, si Itay, Ronnie at si kuya Yasewah naman ay nag-iinuman sa bakuran ng bahay namin at may man-to-man-talk daw sila. Si baby Hershe naman ay nasa magulang ngayon ng Steffano Brothers kasama si Jingjing at inaaliw nila ito sa loob ng dati kong kwarto.

Si Juancho ay hindi nagpunta ngayon sa kasal namin ni River at alam ko na kung bakit. Sana balang araw ay dumating na ang babaeng para talaga sa kanya. May babae pang deserving para sa pagmamahal niya at hindi ako iyon na nagkaanak na sa kapatid niya at hindi na siya mahal.

"Congrats to the newly wed!" bati ni Lorenzo sa akin na kadarating lang at may iniabot ito sa akin na puting paper bag.

Hinalikan naman niya sa pisngi si Mayet pagkatapos nun ay bineso ako. Hindi siya nakapunta kanina sa wedding ceremony dahil may part time job siya sa hapon kaya si Mayet lang ang nakadalo doon.

"Salamat, Lorenzo. Pati na rin sa regalo mo." Nakangiti ko namang pasasalamat kay Lorenzo at inilapag ang puting paper bag sa lamesa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na sa huli ay sina Lorenzo at Mayet ang magkakatuluyan dahil noong mga bata pa kami ay palagi nang sina Mayet at Jestin ang pinagtatambal. Kahit pa sa paaralan namin ay ang akala noon ng iba na magkarelasyon na sina Mayet at Jestin dahil hindi na sila halos mapaghiwalay.

Ganon nga talaga siguro ang buhay. May mga taong mawawala sayo pero may tao na darating rin na mas deserving at magpapahalaga sa'yo katulad nalang ni Lorenzo kay Mayet. Wala naman akong pag-aalinlangan kay Lorenzo dahil kilala ko na ito simula noong mga bata palang kami. Mabait at mabuti itong tao at alam ko rin na hinding-hindi niya sasaktan si Mayet hindi katulad ng ginawa ni Jestin.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora