Epilogue

54.3K 1.3K 731
                                    

YARELI'S POV

After 2 years..

"Can I sit here?"

Napatingin ako sa bigla nalang umupo sa bakanteng table sa harapan ko kung saan ako nakaupo. Si Craig Villaforta ito, ang kaklase ko sa iilang major subjects namin at ang Campus Heartthrob na kinahuhumalingan at kinababaliwan ng mga babaeng estudyante dito sa university namin.

Tumango nalang ako sa sinabi ni Craig dahil paano pa ako makakatanggi sa kanya e, umupo na siya dito?

Nag-aaral ako ngayon sa Philippine Normal University o PNU sa Taft Avenue Ermita, Manila at muli kong pinagpatuloy ang kurso kong Bachelor of Secondary Education. Matapos kong manganak sa anak kong lalake na si baby Hezekiah na anak namin ni Efraim at maikasal ulit 2 years ago ay pinagpatuloy ko na ang pag-aaral ko.

Alam na siguro ng mga estudyante dito sa PNU na may asawa't anak na ako. Hatid sundo ba naman ako parati ni River bago siya pumasok at umuwi mula sa trabaho niya at dahil kapansin- pansin ang mamahalin niyang kotse ay palagi kaming nakaw atensyon sa labas ng Campus sa tuwing nakikita nila kami. Kung minsan pa na off nito mula sa trabaho niya ay sinasama niya sina baby Hezi at Hershe sa paghahatid-sundo sa akin.

Wala rin naman sigurong pakialam sa amin ang mga estudyante dito sa PNU dahil mas focus ang mga ito sa pag-aaral nila kaysa ang makiusyoso sa buhay pamilya ng ibang tao.

Dahil major sa university namin ang Education ay mas nagtutuon sila ng pansin sa pag-aaral para lang makagraduate na. 3rd year college na rin pala ako at kaunting push nalang ay makakagraduate na ako sa kolehiyo.

Mabuti nga at pinayagan na akong makapag-aral ng Steffano Brothers pagkatapos kong ipanganak si baby Hezi. Gusto rin kasi nila akong makapagtapos din dahil pangarap ko na noon pa na maging isang guro sa pampublikong paaralan sa probinsya namin sa San Felicidad. Sinusuportahan nila ako sa pag-aaral ko kaya ngayon ay nagsusumikap ako para makapagtapos lang.

Sina Manang Lorna at Manang Ida ngayon ang abala sa pag-aalaga kina baby Hezi at Hershe sa tuwing pumapasok ako at abala naman sa pagtatrabaho ang Steffano Brothers. Sa tuwing wala kaming pasok ay hindi naman nawawala ang parents duty namin sa mga anak namin at kung minsan ay lumalabas rin kami para makapag bonding bilang isang pamilya.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko habang ramdam kong nakatingin lang sa akin si Craig. Nang tumingin naman ako sa kanya ay ngumiti lang siya sa akin at inumpisahan nang galawin ang pagkain niyang burger na nasa tray na inilapag niya kanina sa lamesa.

Hindi ko naman maiwasang mailang dahil ang mga mata ng iilang estudyante na nandito rin sa Cafeteria ay nakatutok sa amin ni Craig. Sa araw-araw, ang daily routine na talaga ng lalakeng ito ay bwisitin at guluhin ang araw ko.

Hindi yata siguro siya makaramdam na naiinis na rin ako sa kanya. Kung minsan ay nagtatanong pa ito patungkol sa buhay ko at sa asawa kong si River. Dahil hindi naman ako rude na tao ay sinasagot ko paminsan-minsan ang mga tanong niya pero kapag personal na iyon ay hindi ko na ito sinasagot pa. Alam niyang may asawa't anak na ako.

"Susunduin ka ba mamaya ng asawa mo?" tanong ni Craig habang kumakain siya.

Tumaas naman ang isang kilay ko sa tanong niya. "Oo. Bakit?"

"Ihahatid nalang sana kita sa inyo if he can't ride you home." sagot niya at nginitian ako.

Gwapo si Craig lalo na kapag ngumingiti. Chinito ito, maputi at matangkad. Mas bata ito sa akin ng tatlong taon pero dahil baby face raw ako ay parang magkasing edad lang kami.

Mabait naman ito at friendly pero hindi ko alam kung bakit araw-araw niya akong kinukulit at sinasamahan kahit saan man ako magpunta samantalang ang daming estudyanteng babae dito sa PNU na magaganda at single pa na gustong magpapansin sa kanya at maging girlfriend lang niya.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum