Chapter 35

40.4K 857 363
                                    

Ronnie vs. Jestin

THIRD PERSON'S POV

Ayaw mang sumama ni Ronnie sa paligang gaganapin ngayon sa plaza sa bayan ng San Felicidad ay kinailangan niyang sumali dito dahil sa laki ng cash prize na makukuha nila ng mga kagrupo niya sa basketball kung sakaling manalo sila laban sa kabilang grupo ng San Andres.

Gusto niya nang tuluyang iwasan si Jestin dahil sa nakaraang ingkwentro nila noon. Tinapos na nito ang pagkakaibigan nila nang dahil sa inggit at selos nito sa kanya. Ngunit wala siyang magawa dahil kagrupo niya ito sa basketball kasama si Lorenzo at ang tatlo pa nilang mga kamiyembro.

Mas pipiliin nalang niyang ilaan ang oras niya sa paghahanap kay Yareli ngayon pero dahil kailangan na kailangan ni Lorenzo ng pera para sa pambili ng gatas at maintenance ng ina nitong may sakit na high blood ay kahit papaano'y gusto niyang makatulong sa totoo at tunay niyang kaibigan. May pag-asa rin na makabili siya muli ng bagong android na cellphone na magagamit niya sa pagvi-video call sa panganay niyang kapatid na nasa Saudi.

Nagkita-kita sila Ronnie, Jestin, Lorenzo at ang tatlo pa nilang mga kamiyembro sa basketball sa may plaza. Mga kapwa nakasuot na sila ng jersey basketball uniform na nagrerepresinta sa kanilang probinsya na San Felicidad at rubber shoes naman na pangsapin sa mga paa nila. Maraming mga tao ngayon sa basketball court ng plaza at karamihan dito ay mga kababaihan na halos kaedaran lang nila.

Sa kanilang basketball group na San Felicidad Phoenix Team ay kapansin-pansin ang porma ngayon ni Jestin. Nakasuot ito ng telang head band na kulay asul sa brown nitong buhok at may wrist band rin itong suot na kulay pula na katerno ng suot nilang jersey shirts. Bago rin ang sapatos ni Jestin na tatak Nike at may suot na itim na t-shirt rin mula sa ibabaw ng jersey shirt nito.

Hindi katulad ni Ronnie ay maporma si Jestin. Gwapo ang binata sa moreno nitong balat ngunit mas pumuputi na ang balat nito kumpara noong mga high school palang sila. May matangos na ilong si Jestin, medyo malaking pangangatawan at matangkad rin ito. Lapitin naman ito ng mga babae at marami ring nagkakagusto rito pero hindi alam ni Ronnie kung ano pa ba ang ikinaiinggit nito sa kanya.

Si Jestin naman ay tuwang-tuwa sa atensyon na nakukuha niya ngayon mula sa mga taong manonood ng laro nila sa kabilang grupo ng San Andres. Tinodo niya ang pagporma sa sarili para matabunan nito ng atensyon si Ronnie. Labis ang insecurities niya sa binata at hindi siya makakapayag na maging pansinin ito ngayon ng mga tao dahil sa gwapo at mas attractive nitong itsura kumpara sa kanya.

Maraming mga babae ang napapatingin sa direksyon ni Jestin na ikinatutuwa naman niya. Sabi na nga ba at mas gwapo naman talaga ako kaysa kay Ronnie, mas maputi lang kasi siya kaya siya pansinin -sa isip-isip ni Jestin.

Ang sayang nararamdaman niya sa atensyon na nakukuha niya ay kaagad ring nawala nang mahagip niya ng tingin ang grupo ng mga kababaihan na taga San Felicidad rin na may hawak na banner at may nakasulat pa ditong 'Go baby Ronnie! We love you!' Ilang beses pa nilang isinisigaw ang pangalan ni Ronnie upang suportahan at i-cheer ito.

Kaagad nag-init ang ulo ni Jestin doon at sinulyapan si Ronnie na kasama ni Lorenzo sa isang bench na nag-uusap at nagtatawanan. Itinuro pa ni Lorenzo ang grupo ng mga kababaihan kay Ronnie na nagche-cheer para dito. Napangiti lang doon si Ronnie at napailing.

Hindi makapaniwala si Jestin na kahit nakasuot lang nang simpleng jersey uniform shirt at itim na rubber shoes si Ronnie ay napansin pa rin ito ng mga babae samantalang siya na tinodo na ang pagporma sa liga ni isa ay wala siyang makitang grupo ng mga kababaihan sa basketball court para lang i-cheer din siya.

"Chick magnet talaga 'yang si Ronnie, no tol?" pag-imik ni Fidel na isa sa mga kamiyembro nila sa basketball kay Omar na kamiyembro rin nila.

"Oo nga, tol. Nadaan sa gandang lalake, e. Si Jestin ang todo outfit ngayon pero si Ronnie pa rin ang napansin ng mga babae." tukso ni Omar kay Jestin na sinamaan siya ng tingin.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now