Chapter 13

36.6K 1.2K 873
                                    

YARELI'S POV

Hindi ko alam kung paano ko nasurvive ang isang linggo na trabaho ko mula dito sa Cafe Shop sa bayan ng San Felicidad. Hindi ko mapigilang matulala sa kawalan dahil naaalala ko pa rin kung paano ako hinalikan ni Grant sa harapan pa mismo ng mga kapatid niya at ni Mayet.

"Girl, tulaley pa rin ba hanggang ngayon? Shocked ka pa rin sa unexpected kiss na ginawa sa'yo ni Grant?" pinitik ni Mayet ang mga daliri niya sa harapan ko dahilan para matauhan ako sa pagkakatulala ko.

"Mayet, normal lang ba talaga 'tong takot na nararamdaman ko sa Steffano Brothers?" nag-aalala kong sabi.

"Normal lang 'yan, girl! Kitang-kita naman na may pagka aggressive talaga 'yung magkakapatid na 'yon pagdating sa'yo. Rinig na rinig kaya ng dalawang gorgeous ears ko ang mga pinagsasabi nila sa'yo nung sinundo nila tayo gamit ang kotse nila." sabi ni Mayet at nag-umpisa na kaming lumabas mula sa Cafe Shop.

Kaming dalawa nalang ang naiwan dito dahil nauna nang umuwi ang iba pang mga katrabaho namin.

Kinuha ko naman ang dala kong payong sa loob ng bag ko dahil bumubuhos ngayon ang malakas na ulan at mukhang may bagyo pa. Nakasilong lang kami ngayon ni Mayet sa bubong ng Cafe Shop.

"K-Kailangan ko na talaga silang iwasan." sabi ko at huminga ako ng malalim.

"Sa tingin mo ba talagang maiiwasan mo sila? Ayan rin ang plano mo noon, girl pero kita mo naman? Sila na talaga ang gumagawa ng paraan para lang makita at malapitan ka. Hindi nga ako naniniwalang nagkataon lang na napadaan sila dito sa Cafe Shop nun. Pakiramdam ko nga ay alam talaga nila na dito ka na magtatrabaho." sabi ni Mayet habang abala ito sa paggamit ng cellphone niyang de touch screen.

Medyo kinilabutan ako sa sinabi niya. Kung totoo man iyon ibig sabihin ay may posibilidad na minamanmanan nila ang bawat kilos at galaw ko pero hindi naman siguro sila aabot sa puntong ganon. Sino ba naman ako para pagkaabalahan pa ng oras nila? Marahil ay atraksyon lang ang nararamdaman nila para sa akin at mawawala rin iyon kaagad.

Hindi ko na rin sila nakita pa pagkatapos ng isang linggo at ang balita ko tungkol sa Steffano Brothers ay umuwi na ang mga ito sa Maynila. Napanatag ang loob ko kahit papaano ng malaman ko iyon pero may agam-agam pa rin akong nararamdaman na hindi pa dito nagtatapos ang lahat sa amin.

"Hindi naman siguro," sabi ko nang pabulong na ikinailing nalang ni Mayet.

Nang may makita kaming isang tricycle ay kaagad ipinara iyon ni Mayet at nagmadali kaming pumasok sa loob ng tricycle. Nagpahatid kami hanggang sa Tayuman. Kahit may payong naman kaming dala ay hindi pa rin maiwasan na mabasa kami dahil sa lakas ng ulan. Basa kaming pareho ni Mayet pati na rin ang dala naming mga bag. Hindi talaga namin alam na uulan pala ngayon dahil kaninang umaga naman ay maaraw at maganda pa ang panahon.

"Ang kulit talaga ni Jestin! Kanina pa text ng text sa akin. Sinabi ko nang nasa work pa tayo, e." Iritableng sabi ni Mayet habang nagta-type ito sa hawak niyang cellphone.

"Nililigawan ka na ba ni Jestin?" nang-uusisa kong tanong na bigla namang ikinapula ng buong mukha niya.

"A-ano, oo. Kahapon lang siya nanligaw." nahihiya niyang sabi na ikinangiti ko naman.

"Kailangan na ba namin magpaparty ni Ronnie niyan? Kayo kasing dalawa ni Jestin, nasa torpe stage pa kayo nung una." nakangiti kong sabi.

Nang matapos na sa pagta-type si Mayet sa cellphone niya ay binalingan niya ako. "Aba! Alangan namang ako pa ang gumawa ng first move dun sa kolokoy na 'yon? Siya ang lalake kaya dapat siya ang unang manuyo sa akin!" taas-noong sabi niya na ikinatawa ko.

"Masaya ako para sa inyong dalawa." masaya kong sabi.

Niyakap naman ako ni Mayet. "Salamat, girl. Sana balang-araw ay matagpuan mo na rin ang lalakeng magmamahal sa'yo ng tapat at totoo. 'Yung hindi ka ipagpapalit sa kahit ano pa mang ambisyon niya sa buhay." malungkot na sabi niya.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon