Chapter 23

42.1K 1.1K 552
                                    

Grant's POV

KATATAPOS lang tanggalin ni Eula ang bala sa binti ni Yareli at magamot ang sugat nito sa paa na nagka-sprain. Eula is our cousin at anak na babae siya nina Tito Semini at Tita Agnes. Mabuti na lang at Doctor siya, at isa sa pinagkakatiwalaan naming magkakapatid that's why we called her para gamotin si Yareli.

"Grant, I don't know why all of you are doing this to a fragile girl like her. Hanggang kailan n'yo ba siya balak itago sa isla na 'to? Juancho is still looking for her, and it's not unlikely that he will find you." Eula said while staring at Yareli, who is still unconscious in bed.

"We know, but we have no choice. She loves Juancho, and we want her so badly. Kilala mo kaming magkakapatid, Eula, at ngayon lang kami nabaliw nang ganito dahil sa isang babae," I said, frustratedly combing my hair.

"Nakikita ko naman 'yon sa inyo, at hindi ko aakalaing magagawa n'yo 'to sa kanya. River almost killed her. Alam mong siya ang pinakanaka-trigger ng sakit ng Dad n'yo. Kapag nangyari ulit 'to, hindi ko na kayo kayang pagtakpan. She needs freedom, and she has a family," malungkot na saad ni Eula.

Hindi na ako nakapagsalita at natahimik na lang. Hindi ko siya masisi sa pag-aalala niya kay Yareli dahil mali nga naman 'tong ginagawa naming magkakapatid.

Eula sighed. "I gotta go. Bilhin n'yo ang mga gamot na nireseta ko para patuloy ang paggaling niya. She needs to rest and eat something nutritious. Hinihintay na ako ni Jasper sa labas. Mabuti at wala siyang pasok sa work kaya nahiram ko ang chopper niya papunta rito."

"Thank you again, Eula," pasasalamat ko sa kanya. Tumapik siya sa balikat ko at pagkatapos ay umalis na.

Tiningnan ko si Yareli na nakahiga sa kama namin. Naka-cast ang kaliwang binti niya at may bandage rin sa kanyang kanang paa. Kung hindi siya tumakas, hindi sana mangyayari ito. Binalaan ko na siya tungkol kay River pero hindi siya nakinig.

Biglang pumasok si Amir sa kwarto habang kumakain ng mansanas.

"How is she?" he asked while looking at Yareli.

"She's already stable. Nagka-sprain ang paa niya at baka ilang linggo siyang hindi makalakad nang maayos. I have a receipt sa mga gamot na bibilhin natin para sa paggaling niya." I said at sumandal sa sofang inuupuan ko.

"She's such a hard-headed girl," umiiling niyang sabi.

"Where's River, by the way?" tanong ko.

"Nasa kabilang kwarto. Naglalasing dahil sa pagiging brokenhearted." Amir laughed.

"Bantayan mo muna si Yareli dito, pupuntahan ko lang ang isang 'yon," sabi ko at tumayo na mula sa kinauupuan ko.

"No problem, bro." he answered.

Lumabas na ako sa loob ng kuwarto namin at tinungo ang kabilang kwarto kung saan ay nandoon si River. The door is unlocked kaya nabuksan ko kaagad ito and there he is, he's drinking like there's no tomorrow.

Nakaupo si River sa upuan habang tinutungga ang isang bote ng beer. Nasa lamesa naman ang iba pang mga beer na naubos na niya at hindi pa nabubuksan.

"Bro!" bati ko kay River nang makalapit ako sa kanya. I get one bottle in his table at uminom din.

"Hey, Grant. How's Yareli? Nagamot na ba siya ni Eula?" nakangiting tanong ni River. Halatang lasing na lasing dahil pumipikit-pikit na ang mga mata nito.

"She's fine. Mabuti at hindi gaanong bumaon sa binti niya 'yong bala ng baril mo. I know na hindi mo tinamaan 'yong sensitive part ng binti niya." I said at humalukipkip.

Ngumiti siya nang malungkot. "I tried to control my anger earlier, but I still failed. She betrayed me, and I trusted her. Pero may plano siyang takasan tayo at umuwi kay Juancho. What a stubborn lady she is. We fell for her tactics," he gritted his teeth and clenched his fists.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now