Chapter 29

37.3K 1K 412
                                    

IRVIN'S POV

"Hey, asshole!"

Napalingon naman sa akin ang caretaker ng isla na si Ezekiel dahil sa pagtawag ko sa kanya.

"Bakit po, Sir-"

Hindi na ako nakapagtimpi pa at kaagad siyang sinuntok sa mukha na ikinaatras niya. Sinuntok ko ulit siya sa pangalawang pagkakataon sa sikmura naman niya. He cried in pain na mas lalo ko pang ikinatuwa.

"You deserve that for flirting with Yareli. Ang akala mo ba natutuwa ako sa'yo? Hindi dahil ayoko na nakikipaglapit ka pa sa kanya!" sigaw ko at dinuro siya.

Umubo na ng dugo ang lalakeng 'to at hindi niya ako magawang labanan. I remember Yareli's friend, Ronnie to him. They are both cowards and can't defend themselves.

Hindi pa ako nasiyahan sa ginawa ko kaya tinadyakan ko pa siya sa tagiliran niya na ikinatumba niya sa buhanginan.

"Lift yourself up! Labanan mo ako, 'wag kang duwag dyan!" I mocked him.

Sinamaan lang niya ako ng tingin. "A-alam ko ang ginawa niyo kay Ma'am Yareli at hindi niya dapat dinadanas ang pagpapahirap niyo sa kanya." nahihirapang sabi niya habang iniinda nito ang mga natamo niyang suntok at sipa ko sa katawan niya.

Mas lalo pang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. "So, you have the rights to interfere with us? Wala kang pakialam sa mga gagawin namin kay Yareli. She is mine! She is Steffano Brothers property!" gigil kong sabi.

Umiling naman siya sa sinabi ko. "Hindi kayo karapat-dapat kay Ma'am Yareli dahil makasarili kayo at hindi niyo man lang iniisip ang nararamdaman niya. Hindi niyo rin siya pag-aari dahil may sariling isip at desisyon siya."

Naikuyom ko ang mga kamao ko sa matinding galit at hindi ko namalayan na sunod-sunod na ang pagsuntok ko sa lalakeng ito. Hindi ko na makontrol ang sarili ko nang dahil sa sinabi niya. Wala siyang karapatan para diktahan kami sa kung ano man ang gagawin namin kay Yareli.

Sa wakas ay lumaban na rin siya sa akin at nasuntok niya ako sa panga. Napangiwi naman ako sa sakit sa ginawa niya pero hindi ko na alintana iyon sa kagustuhan kong mapuruhan siya ng matindi.

Malaki siyang tao pero mas lamang pa rin ako sa kanya physically. I learn martial arts since I was a kid kaya hinding-hindi siya mananalo sa akin pagdating sa bugbugan.

Hinila ko ang braso niya at pinilipit ito na ikinadaing niya sa sakit. Tinadyakan ko ulit ang tagiliran niya ng paulit-ulit at tanging paghiyaw lang niya sa natatamo niya mula sa akin ang maririnig dito sa tabing dagat.

I spit on his face and smirk at him. "I want to kill you right now pero pasalamat ka at pinakikinabangan ka ni River kaya hindi kita magawang patayin sa ngayon. But when you reveal our plan to the authorities ay hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka at itapon 'yang katawan mo dito sa dagat. Binabalaan kita, 'wag kang nangingialam sa buhay namin lalo na kay Yareli. Sa amin lang siya. Sa amin lang!" huling sabi ko bago ko siya tinalikuran na nakahandusay pa rin sa buhanginan at duguan na.

Napahawak naman ako sa panga kong nagkaroon na ng sugat gawa ng pagsuntok sa akin ng tarantadong iyon. Shit!

May gana pa siyang maging concern kay Yareli? Para ano? Para magkaroon siya ng pag-asa sa babaeng mahal namin tapos sa kanya maibaling ang atensyon ni Yareli dahil sa pagpapaka prince charming niya? Eh wala naman siyang binatbat sa amin, e!

He's poor, weak, and coward kaya sino ba siya sa akala niya? Ang lakas ng loob niyang kalabanin kaming magkakapatid. Tsk!

Sana naman magtanda na siya sa pambubugbog na ginawa ko sa kanya dahil kung hindi ay mas malala pa ang mga kaya kong gawin.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now