Chapter 1

89.8K 1.9K 862
                                    

YARELI'S POV

Juancho Antonio Steffano

Ang lalakeng hinahangaan ng lahat ng mga kababaihan dito sa San Felicidad. Bukod sa gwapo ito, matangkad at edukado ay makapangyarihan rin ang pamilya niya dito sa buong probinsya ng San Felicidad.

Siya ang bunsong anak nina Governor Vicente Steffano at Madam Josefina Cruz-Steffano. Si Juancho ay kinaiinggitan rin ng lahat ng mga kalalakihan dito sa probinsya namin. Sino nga ba ang hindi maiinggit sa kanya?

Bukod sa anak siya ng isang Gobernador ay mayaman at maimpluwensiya rin ang pamilya niya. Kayang-kaya niyang mapaikot at mapasunod sa mga kamay niya ang mga tao dito sa San Felicidad. Hindi man maganda ang ugali at pakikitungo niya sa lahat ay hindi iyon naging hadlang para hindi ko siya magustuhan.

Maniniwala ba kayo na naging kami nang mahigit isang linggo pero kaagad rin siyang nakipaghiwalay sa akin dahil hindi ko pa kayang ibigay ang sarili ko sa kanya?

Kung iba sana akong babae malamang ay walang pag-aalinlangan nilang ibibigay ang sarili nila kay Juancho pero ako ay hindi ko kayang gawin iyon. Hindi pa ako handa sa pre-marital sex na napag-aralan namin sa paaralan at isa pa 18 years old palang ako.

Mahal ko si Juancho ngunit mas mahal ko ang kinabukasan ko at ang pamilya ko kaya nung nakipaghiwalay na siya sa akin ay wala na akong nagawa sa naging desisyon niya pero hindi pa rin maiaalis sa akin na nasasaktan ako at mahal ko pa rin siya.

Gusto ko pang matulungan sila Inay, Itay, Kuya Yasewah at ang bunso kong kapatid na si Jingjing para makaahon kami mula sa kahirapan. Ayokong mabuntis ng maaga dahil may pangarap pa ako sa pamilya ko. Nagsisikap akong mag-aral para kapag nakapagtapos na ako ay mabigyan ko sila ng magandang buhay at hindi na parehong magtitiyaga sina Inay at Itay sa pagsasaka sa bukid na pagmamay-ari nila Juancho.

Buwan ng Abril ngayon kaya't bakasyon namin ng mga kaibigan kong sila Mayet, Ronnie at Jestin mula sa paaralang pinapasukan namin. College na kaming magkakaibigan at parehong Bachelor of Secondary Education ang kinuha naming kurso na magkakaibigan.

Pangarap na talaga naming maging mga teacher noong mga bata palang kami kaya't hanggang sa magkolehiyo na kami ay magkakasama pa rin kami at pinipilit rin naming makapagtapos ng pag-aaral para sa pamilya namin. Katulad ko ay mahirap lang rin ang pamumuhay ng pamilya nila Mayet, Ronnie at Jestin kaya nagkakasundo kaming apat sa lahat ng mga bagay at pangarap namin sa buhay.

"Mas gusto ko talaga kapag fiesta! Palaging maraming handa!" masayang sabi ni Jestin habang nilalantakan nito ang lumpia na nakalatag sa lamesa. Maraming iba't-ibang klase ng pagkain ang nandito.

Nandito kami ngayong magkakaibigan sa plaza na tinatawag sa amin. Dito ginaganap ang mga events ng buong San Felicidad at ngayon nga ay nandito ang highlights ng fiesta ng San Felicidad.

Maraming mga nakasabit na banderitas sa paligid, maingay ang paligid dahil sa mga banda na nagpapatugtog ng drums, lyre at iba pang mga instrumento. Mga majorettes at iba pang grupo na sumasayaw sa gitna ng kalsada. Napakasaya talaga ng probinsya ng San Felicidad kapag fiesta. Bukod sa maraming pagkain ay may mga events na mangyayari pa mamayang gabi.

"At 'yan ang way mo para makakain ka ng marami. Sa katakawan mo ay baka maubos pa ang lahat ng handa dito!" pang-aasar naman ni Mayet kay Jestin na ikinaikot lang ng mata ni Jestin.

"Trip na trip mo talaga akong asarin, no? Baka siguro may crush ka lang talaga sa akin kaya palagi mo akong inaasar para mapansin kita." nakangising sabi ni Jestin dahilan para mamula ang buong mukha ni Mayet.

"A-Ano bang pinagsasabi mo diyan? Kailan pa ako nagkacrush sa'yo? Sina Tom Cruise at Brad Pitt lang ang crush ko, no!" sabi ni Mayet na nagtunog defensive naman.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon