Chapter 50

44.3K 1.1K 806
                                    

Juancho's POV

"THANKS for coming," I smiled at Ronnie na dumating dito sa bar na pagmamay-ari ng kababata at kaibigan kong si Michael.

Mukhang hindi sanay si Ronnie na magpunta sa ganitong klaseng lugar and what do I expect from him? He was like a girl version of Yareli, inosente sa lahat ng bagay at sobrang bait sa mga taong nasa paligid nila kahit hindi na nila alam na niloloko at pinapaikot na pala sila.

Pinaupo ko si Ronnie sa stool katabi ko at nag-aalangan ito bago tumabi sa akin. Inabutan ko siya ng drinks na in-order ko para sa kanya pero umiling siya at sinabing hindi siya iinom.

"Don't be a killjoy, Ronnie. Samahan mo akong mag-inom!" I said, smiling.

He sighed dahil mapilit ako at sumimsim ng kaunti sa binigay kong drinks sa kanya.

"Hanggang kailan mo ba gagawin 'to, Juancho?" Ronnie said seriously dahilan para mapahinto ako.

I chuckled. "Ang alin? I'm just having fun because I'm single. Bawal na ba akong uminom at magsaya?"

Tiningnan niya ako ng mariin. "Kasal na si Yareli kay River. Masaya na siya sa buhay niya ngayon kasama ang mga kapatid mo. Bakit patuloy mo pa ring ginagawa 'to, Juancho? Muntik ka pang makapatay ng tao."

I clench my fist. "What can I do if I haven't moved on yet? What can I do if I'm still jealous and bitter because my fucking brothers took Yareli away from me? Masisisi mo ba ako kung hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako dahil nawala si Yareli sa buhay ko at hindi na niya ako mahal?" I bitterly said.

"Juancho, ako rin naman, ah? Alam mong mahal ko si Yareli, hindi ba? Pero ano'ng ginagawa ko ngayon? Sinusuportahan at hindi ko pa rin pinutol ang koneksyon naming dalawa dahil kaibigan ko siya at pinapahalagahan ko ang pinagsamahan namin. Kahit minsan ay nasasaktan ako na nakikita siyang masaya sa mga kapatid mo, ay tinanggap ko na lang 'yon dahil kahit papaano'y masaya ako kung saan siya masaya." sabi niya at ininom ulit ang binigay kong drinks.

I smirked. "We have different personalities, Ronnie. You grew up in a good and perfect family while I did not. Nasanay ako na walang pakialam ang ibang tao sa akin, even my parents na hindi ko naman pala tunay na mga magulang. I sought attention and love when I was younger, and only now have I experienced it when Yareli loved me. She is the only one who accepted and loved me genuinely. Siya lang ang nag-iisang tao na nagkaroon ng pakialam sa akin at sa nararamdaman ko. Then suddenly, nawala na lang bigla ang pagmamahal niya dahil nakilala niya ang mga kapatid ko, at kahit na may sakit at malaki ang kasalanan ng mga 'yon sa kanya, sa huli ay sila pa rin ang pinili niya? That's very unfair to me!" mahaba kong litanya.

Tinatanggap ko ang lahat, e. Dalawang taon kong sinuportahan si Yareli at ang anak niya pero nang dumating na ang mga kapatid ko at nagsama sila bilang isang pamilya sa Maynila ay nawalan na ako ng saysay kay Yareli. Sinubukan ko pang magpakamatay pero dahil masama yata akong damo ay hindi pa ako natuluyan.

I'm trying my best to avoid and forget Yareli, but it's not that easy. Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang magmahal ng ibang babae bukod sa kanya. I guess, I will die being single.

"Tandaan mo na kung sino pa ang taong minamahal mo ng sobra ay 'yon ang taong mananakit rin sa'yo nang sobra. Katulad ni Yareli na minahal pa rin ang mga kapatid mo kahit sinaktan siya nang sobra ng mga ito at katulad din natin na minahal siya pero nasasaktan niya nang sobra. Parang cycle lang, 'di ba?" Ronnie chuckled and shook his head. He has a point and that is ironic.

Tiningnan ulit ako ni Ronnie nang seryoso. "Kung totoong mahal mo si Yareli, sana maging masaya ka na lang para sa kanya. Katulad ko, sana suportahan mo siya sa mga taong mahal niya. Wala namang masama kung maging insecure at naiinggit ka sa mga kapatid mo pero sana ay 'wag na habambuhay ay maging ganyan ka, Juancho," he said, emphasizing his point.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now