Chapter 5

47.1K 1.7K 877
                                    

YARELI'S POV

Nandito kami ngayon sa bayan kasama sila Mayet, Jestin at Ronnie. Dahil malaki ang kinita ni Mayet sa pag-oonline selling ng mga damit at bags na binebenta niya sa Facebook ay nagyaya siyang manlibre sa amin na hindi na namin tinanggihan pa.

Nasa mall kami ngayon ng bayan ng San Felicidad. Hindi ito gaanong kalakihang mall at hanggang 2nd floor lang ang palapag nito. Medyo marami ang mga tao ngayon sa mall at kakatapos lang ng pagdiriwang ng fiesta ng San Felicidad.

"Sa ganda mo girl, center of attention ka na naman. Ikaw na talaga!" nakangising sabi sa akin ni Mayet nang mapansin rin niya ang mangilan-ngilang tao na nandito sa mall na napapatingin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ako tinitignan ng mga tao e, isang simpleng printed white t-shirt at jeans lang naman ang suot ko na pinaresan ko ng mumurahing sandals. Hindi rin naman ako nakamake-up bukod sa pinahid kong liptint sa labi ko para hindi magdry ito. Walang espesyal sa itsura ko ngayon pero kagaya nga ng sinasabi ni Mayet ay mukhang center of attention na naman ako na palagi ko nalang nararanasan simula noong bata palang ako.

"Feeling ko talaga sikat na rin ako kapag kasama natin si Yareli. Masyado kasing maganda 'tong kaibigan natin. Tsk!" sabi naman ni Jestin na sinang-ayunan ni Mayet.

Napailing nalang ako. "Kayo talaga. Saan na pala tayo nito, Mayet?" tanong ko kay Mayet.

"Gusto niyo bang mag foodtrip nalang tayo sa food court? Mas mura ang mga pagkain dun at mas marami rin tayong mabibiling pagkain." suhestiyon niya.

Lahat naman kami ay sumang-ayon sa sinabi ni Mayet at kaagad na kaming nagtungo sa may food court at umupo sa may bakanteng upuan doon.

Sila Mayet at Jestin na ang umorder ng mga pagkain namin at iniwan muna nila kami saglit ni Ronnie sa table namin.

"Kumusta ka na pala, Yareli? Hindi ko alam na kasundo mo pala ang mga pinsan ni Juancho," pag-imik bigla ni Ronnie na may seryosong tingin.

"Ah, nasiraan kasi sila ng kotse sa may daan at saktong nakita namin sila ni Kuya Yasewah nun. Tinulungan ni kuya na maayos ang kotse ng magkakapatid na Steffano. Mabait naman sila sa amin kaya wala akong problema sa kanila." sagot ko.

"Pero hindi ka ba natatakot man lang sa kanila? Pinsan sila ni Juancho at baka ikapahamak mo pa kung magiging mas malapit ka sa magkakapatid na 'yon." nag-aalala namang sabi ni Ronnie.

Ni minsan ay hindi ko naisip na pwede kong ikapahamak ang pakikipaglapit ko sa magkakapatid na Steffano. Mabait sila sa akin at hindi nila ako pinapakitaan ng masama. Isa pa ay wala namang masama na maging kaibigan ko sila dahil hanggang doon lang naman talaga kami hahantong. Mayaman sila samantalang mahirap lang ako at napakalayo ng estado ng buhay nila sa estado ng buhay ko.

"Mabait naman sila sa akin saka hindi naman nila alam ang nakaraan namin ni Juancho. Kung anuman ang mayroon sa amin ni Juancho noon ay labas na sila doon." sabi ko at bumuntong-hininga pagkatapos.

Tumango lang si Ronnie sa sinabi ko. "Kung sa bagay pero mag-iingat ka pa rin sa kanila, Yareli dahil hindi mo pa lubos na kilala ang magkakapatid na 'yon." sabi niya.

"Salamat sa pagpapaalala sa akin, Ronnie." nakangiting sabi ko na ikinangiti rin niya.

Ilang minuto lang ay dumating na rin sila Mayet at Jestin dala ang mga inorder nilang pagkain namin. Isang order ng pancit palabok na may lumpia, leche flan, siomai halo-halo at coke ang order naming lahat.

Nag-umpisa na kaming kumain at hindi namin maiwasang matawa ni Ronnie habang nagkukwento sina Mayet at Jestin ng mga nakakatawang pangyayari sa buhay nila noong mga bata palang kami.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now