Chapter 21

38.4K 1.1K 453
                                    

YARELI'S POV

Alas dose na ng gabi at hindi pa rin ako makatulog. Simula nang lumabas kanina dito sa loob ng kwarto sina Grant at Amir ay hindi pa rin sila bumabalik hanggang ngayon. Mas mabuti na iyon dahil ayoko na munang makita sila.

Pinipilit kong magpakatatag para sa pamilya ko. Hindi pupwedeng magpakita ako ng kahinaan sa sitwasyon ko dahil baka aakalain ng Steffano Brothers na hindi ko sila kayang kalabanin.

Sana matigil na ang kahibangan nila sa akin dahil may nobyo na ako at pinsan pa nila. Ayoko na rin maramdaman pa itong kakaibang nararamdaman ko para sa kanila kaya hangga't maaga pa ay kakalimutan at pipigilan ko na ito.

Bigla ay bumukas ang pintuan ng kwarto kung nasaan ako at pumasok doon si River na may nakasabit na itim na bag sa kanyang balikat. Nakasuot ito ng grey v-neck shirt at pantalon habang magulo naman ang kanyang buhok.

Nang makita niya ako ay ngumiti siya saka lumapit sa akin at akmang hahalikan na sana ako sa pisngi nang umiwas ako. Nawala ang ngiti niya at napatungo ito.

Totoo ba ang sinabi ni Grant sa akin kaninang umaga na si River ang pinaka delikado sa kanilang magkakapatid? Na kapag sinuway ko lang ito ay pwede niya na akong patayin kaagad? Pero bakit hindi ko makita iyon sa pagkatao niya? Bakit siya pa ang mas nakakaintindi at humihingi ng tawad sa akin dahil sa mga nagawa nilang mali?

Niloloko lang ba ako ni Grant nang sabihin niya sa akin iyon para katakutan ko si River?

"Sorry," mahina niyang sambit saka ito muling bumaling sa akin at ngumiti ulit.

Inilapag niya ang dala niyang itim na bag sa lamesa na tinumba kanina ni Amir at may kinuha doon. May inilabas siyang isang paper bag at mga balot ng pagkain sa isang fast food restaurant.

"I bought these for you bago ako umuwi dito. Kumain ka na ba? You need to eat." sabi niya habang inilalabas nito sa plastic ang mga pagkaing binili niya.

Hindi ko siya pinansin at tahimik lang akong umupo sa gilid ng kama.

"Oh, I bought some personal hygiene for you, too. Nagtanong nalang ako sa saleslady kung ano ba ang ginagamit niyong mga babae. Nakalagay dyan sa paper bag." sabi niya at itinuro nito ang paper bag na nasa lamesa din.

"Hanggang kailan niyo ba ako balak itago dito, River? Sa tingin niyo ba panghabang-buhay niyo akong makukulong sa isla na 'to at itatago sa pamilya ko?" hindi ko na mapigilang sabi.

Doon ay natigilan siya at bumuntong-hininga.

"We're all in love to you, Yareli. Kahit kami ng mga kapatid ko ay hindi rin namin alam kung bakit nagkakaganito kami nang dahil sa'yo. Ang gusto lang naman namin ay mahalin mo rin kami-"

"Pero kailangan ba talagang humantong tayo sa ganito? Hindi niyo ba naiisip na masasaktan ako nang dahil sa ginagawa niyo?" pagsabat ko.

Pumikit si River at napahawak ito sa batok niya. Para siyang may malalim na iniisip pero hindi niya iyon masabi sa akin.

"Someday you will understand us why we are doing this." sabi niya makalipas ng ilang minuto.

"Ewan ko sa inyo. Hindi ko na talaga alam," pagsuko ko dahil kahit ilang beses pa akong magmakaawa sa kanila na palayain na nila ako at ibalik sa pamilya ko sa San Felicidad ay hindi nila iyon gagawin.

Bigla ay binuksan ni River ang brown na cabinet sa kwarto namin at may kinuha ito doon. May inilabas siyang gitara saka ito lumapit sa akin at tumabi.

"Ganito nalang, kakantahan nalang kita para kahit papaano ay hindi ka malungkot dito. Is that okay with you?" nakangiti na niyang sabi.

Hindi ko alam pero kaagad akong napatango dahil sa ngiti ni River. Kung hindi lang siya kidnapper at kasabwat ng mga kapatid niya para dukutin ako malamang iisipin ko na normal lang ang tumatakbo sa utak niya.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now