Chapter 27

38.2K 1.1K 533
                                    

YARELI'S POV

Kinabukasan ay nagising ako nang ako lang ulit ang mag-isa sa kama. Iyong tama ng bala sa binti ko at pilay ko naman sa paa ay medyo gumagaling na rin at hindi na masyadong masakit.

Nang tinignan ko ang lamesa ay puno ito ng iba't-ibang klase ng pagkain. Napabuntong-hininga nalang ako. Kailangan kong intindihin ang kondisyon ngayon ng Steffano Brothers lalo na si River.

Naaawa ako sa kanya at naaalala ko pa rin 'yung araw na umiyak siya sa harapan ko at nagsisisi ito sa nagawa niyang kasalanan sa akin. Kahit nasasaktan ako hanggang ngayon sa sinapit ko at sa tingin ko ay ako pa rin ang agrabyado dito ay pinatawad ko nalang siya dahil umaasa ako na balang araw ay maiisip rin nila na mali itong ginagawa nila at hindi sagot ang pagdukot sa akin para lang makuha nila ako.

Bumangon na ako sa kama at nagtungo sa cr para maligo at maglinis ng sarili ko. Hindi ko alam kung nasaan ang limang magkakapatid pero sa tingin ko ay babalik rin naman sila mamaya.

Naligo ako at pagkatapos ay nagbihis ng isang kulay berdeng t-shirt at cotton shorts sa cabinet ko na mukhang bagong bili pa at mamahalin. Nang matapos na akong magbihis at mag-ayos ng sarili ko ay nagsimula na rin akong kumain ng mga nakahandang pagkain sa lamesa na siguradong si River ang nagluto.

Pagkatapos kong kumain ay nagsipilyo muna ako bago tumambay sa bintana ng kwartong tinutuluyan ko. Malayong-malayo sa syudad ang lugar na ito at tanging karagatan, mga puno ng buko, mga ulap at araw lang sa kalangitan ang nakikita kong tanawin sa labas.

Nakarinig naman ako ng animo'y nagwawalis sa ibaba kaya sinilip ko kung sino ito. Nagulat nalang ako nang makita ang isang matangkad at morenong lalake na nagwawalis sa tapat ng gate ng bahay kung nasaan ako.

Katulad ng Steffano Brothers ay matangkad at malaki rin ang katawan ng lalakeng ito. Hanggang balikat ang buhok niya at chinito ito. Naalala ko tuloy sa kanya si Vaness Wu ng F4 sa Meteor Garden dahil sa itsura nito iyon nga lang ay moreno siya.

Sino kaya siya? Anong ginagawa niya dito? Kakilala rin ba siya ng magkakapatid? Ang akala ko ay walang ibang tao ang nandito sa isla na ito iyon pala ay mayroon rin. Tila nabuhayan ako doon pero nang maisip ko ang kondisyon ng Steffano Brothers at ang pagmamakaawa at pag-iyak ni River sa harapan ko ay napawi ang pag-asa ko na hindi ko sila pwedeng takasan ngayon.

Mukhang napansin nung lalake na nakatingin ako sa kanya kaya napatingin ito sa direksyon ko at itinigil ang pagwawalis niya. Halata naman ang pagkagulat sa mukha niya nang makita niya ako at ganon rin ako. Hindi ko na napansin kanina na gwapo rin pala siya.

"Miss? Tao ka ba? Hindi ka ba multo o manika? Huwag kang nananakot, ah?" sigaw niya para marinig ko siya. Medyo malayo kasi siya sa direksyon ko at kailangan niya pang sumigaw para marinig ko ang sasabihin niya.

Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. "Huwag kang mag-alala, tao ako!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Para naman siyang nabunutan ng tinik sa sinabi ko at ngumiti ito sa akin. Mas lalong lumitaw ang chinito nitong mga mata nang dahil sa pagngiti niya.

"Pasensya na, ang puti mo kasi masyado kaya ang akala ko multo ka o manika. Girlfriend ka ba ni Sir River?" tanong niya sa akin.

Gusto ko sanang sabihing hindi dahil hindi naman talaga ako nobya ni River pero tumango nalang ako bilang sagot para hindi niya malaman ang ginawa sa aking pagdukot ng Steffano Brothers. Kahit ngayon lang ay gusto ko muna silang pagbigyan sa gusto nilang makasama ako.

"Oo. Nobya ako ni River." sagot ko na ikinatango naman nung lalake.

"Ganon po ba, Ma'am? Ikinagagalak ko kayong makilala. Ako nga pala si Ezekiel, ang caretaker sa isla na 'to." Pagpapakilala niya sa akin at yumuko pa ito para magbow.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon