Chapter 36

37.4K 1K 418
                                    

YARELI'S POV

Sa hirap at sakit na pinagdadaanan ko ay tinuloy ko pa rin ang masaklap kong buhay at pinakasamahan ng maayos ang Steffano Brothers sa kabila ng ginawa nila sa akin. Isang linggo nalang rin ang natitira at makakalaya na ako sa kanila gaya ng ipinangako sa akin ni Grant.

Ramdam ko ang paninibago nila sa mga ikinikilos ko dahil sa maganda at maayos kong pagtrato sa kanila. Hindi naman sila nagtatanong sa akin kung bakit umaakto ako ng ganito na ikinahinga ko ng maluwag.

Kasalukuyan akong kumakain ng pumasok sa loob ng kwarto ang limang magkakapatid. Nakangiti sila nang malawak habang si Efraim naman ay blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha na inaasahan ko na.

"Babe, pupunta tayo ngayon sa bayan. Pumayag sila River na makalabas ka dito para makapaglibang man lang." nakangiting sabi ni Grant nang lumapit ito sa akin.

"Talaga?" tanong ko naman at tinignan si River na nakangiti rin sa akin.

"Yup. Gusto ulit naming makabawi sa'yo dahil sa nagawa namin. Mag-ayos ka na at aalis na tayo ngayon." sabi niya.

Ang akala ni River ay ganon nalang na madali silang makabawi sa nagawa nila sa aking kahayupan. Nasusuklam pa rin ako sa kanilang magkakapatid pero wala naman akong ibang mapagpipilian kundi ang kondisyon ni Grant.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko saka naligo at nagsipilyo. Isinuot ko ang isang kulay puting dress na kakabili lang ni River para sa akin. Nagsuot naman ako ng sandals sa paa ko.

Nang matapos na akong mag-ayos ay kaagad na akong hinila nina Irvin at Grant sa loob ng kwarto namin hanggang sa makalabas na kami sa labas ng bahay. May nakaparada doon na puting kotse at kaagad kaming pumasok sa loob nun.

Hinapit naman ni Amir ang baywang ko habang nasa backseat kami at katabi ko naman sa kanan ko si Grant.

"Are you excited to stroll around?" nakangiting tanong ni Amir.

Tumango nalang ako bilang sagot at kaagad binawi ang tingin ko sa kanya.

Narinig ko nalang ang pagbuntong-hininga niya hanggang sa pinaandar na ni River ang kotse namin.

Umandar na ito at lumiko sa daan na kung saan ay ito ang dinaanan namin ni Ezekiel nung nagtangka kaming tumakas noong gabing iyon. Bigla ay naalala ko si Ezekiel at sa malagim na sinapit niya mula kay Efraim.

Nang mapatingin ako kay Efraim na nasa front seat ay nakita kong nakatingin sa akin ito sa side mirror ng kotse. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay medyo kinabahan ako dun kaya binawi ko rin kaagad ang mga tingin ko sa kanya.

Mga kalahating oras rin ang byinahe namin hanggang sa makarating kami sa isang lugar na katulad rin sa bayan ng San Felicidad. Maraming mga tao sa paligid at may iba't-ibang shops at palengke akong nakikita rin. Isang tipikal na bayan para sa isang probinsya.

Lumabas kami sa loob ng kotse at napansin ko kaagad na pinagtitinginan kami ng mga tao lalo na ng mga kababaihan. Tila mangha-mangha sila nang makita ang Steffano Brothers at nagstand-out naman kasi talaga ang mga ito dahil sa tindig at angking kagwapuhan nila.

Ang hindi nila alam ay mga baliw at mamamatay tao ang magkakapatid na ito.

"Saan mo gustong pumunta ngayon dito, love?" tanong sa akin ni Irvin na mabilis akong hinalikan sa labi.

Nailang naman ako dahil mas lalo kaming pinagtitinginan ng mga tao sa ginawang paghalik sa akin ni Irvin. 

"Ah, kahit saan nalang." sagot ko na nahihiya na.

Tumango naman siya. "Let's go to the park near here. Maganda doon." sabi niya.

Sinundan nalang namin si Irvin na nag-umpisa nang maglakad hanggang sa makarating kami sa parke na tinutukoy niya. Kakaunti lang ang mga tao dito at dahil maganda naman ang panahon ngayon ay narerelax ako sa ganda ng paligid at sa sariwang simoy ng hangin.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora