Chapter 2

57.2K 1.8K 659
                                    

RIVER'S POV

Nagmamaneho ako ngayon papuntang San Felicidad kasama ang mga kapatid kong sila Efraim, Irvin, Grant at ang bunsong si Amir. We need to go to San Felicidad sa utos na rin ni Dad para umattend sa Fiesta raw na ginaganap doon and my Dad's brother Vicente Steffano was a Governor on that province.

Ayaw man naming magpunta dito ay napilit pa rin kami ni Dad dahil sa hindi siya makaka-attend sa fiesta ng San Felicidad. He have a lot of business trips lately kasama si Mom kaya wala na kaming nagawa kundi ang sundin ang pabor nila.

Ang pinsan naming si Juancho ang susundo sa amin pero ang kumag ay hindi namin macontact ngayon. Mabuti nalang at kahit papaano ay alam ko ang daan papunta sa mansyon nila dahil nakapunta na kami ni Mom ng isang beses dito sa San Felicidad 1 year ago.

Dahil sa napakahina ng signal sa probinsya na ito ay gusto ko nalang matawa kung gaano kalukot ang mukha ngayon ni Amir na mukhang busy sa paglalaro ng League of Legends sa phone niya.

"What kind of place is this? I already loss in my game because of the stupid signal here. Bullshit!" he curse na ikinatawa naman ng katabi niya sa backseat na si Irvin.

"Please be a nice human being for only one day, bro. We're doing this for our devoted parents at miss na miss na raw tayo nina Tito Vicente at Tita Josefina kaya gusto nila tayong makita." pang-aasar pa ni Irvin na mas lalo pang ikinalukot ng mukha ni Amir.

"Hindi na tayo mga bata para mamiss nila. I'm already 18 years old while you're already 21. Everythings changed at naiinis lang rin ako kapag nakikita ko ang pagmumukha ng mayabang na Juancho na 'yon." Amir rolled his eyes and crossed his arms.

Kaclose naming magkakapatid si Juancho pwera nga lang kay Amir. Dahil na rin siguro sa magkaedad lang sila at magkasalungat ang gusto nila sa isa't-isa ay may hindi sila pagkakaunawaan. Kaya kapag pumupunta sila Juancho, ang mga kapatid niyang sina Vivienne at Arthuro, at sina Tito Vicente at Tita Josefina sa Maynila para dalawin sina Mom at Dad sa bahay namin ay aalis o hindi kaya ay magkukulong sa loob ng kwarto si Amir para lang iwasan si Juancho.

Lumakas naman ang tawa nina Irvin at Grant sa reklamo ni Amir tungkol kay Juancho. "Pinsan mo pa rin 'yon kaya dapat maging mabait ka sa kanya." sabi ni Grant na pigil ang pagtawa.

"Fuck you, Grant!" galit nang sabi ni Amir at wala nang ibang nagawa sina Grant at Irvin kundi manahimik nalang but they are still laughing silently.

Napailing nalang ako at tinignan naman ang katabi ko sa front seat na si Efraim. As usual, he's still sleeping. Palagi namang inaantok ang gagong 'to at dahil summer ngayon ay wala na siyang ibang ginawa sa bahay kundi ang matulog.

Nang nasa kalagitnaan na kami ng daan sa San Felicidad ay biglang huminto ang minamaneho kong kotse. Nang inistart ko ulit ang engine ay ayaw nang umandar nito. I frustratedly comb my hair dahil mukhang nasiraan pa kami.

"Anyare, bro?" tanong ni Grant na busy sa paggamit ng phone niya.

"Nasiraan yata tayo ng kotse. Kailangan natin ng mekaniko para maayos 'to." I sighed.

"Ang hina na nga ng signal dito tapos ang malas pa natin. Nagsisisi talaga akong sumama sa inyo papunta sa probinsya na 'to!" sabi naman ni Amir na naiinis na at napalakas ang boses niya kaya nagising na sa pagkakatulog si Efraim dahil sa ingay niya.

"What's with your rant, Amir? Can you just shut up for a while? You're such an annoying brat." seryosong banta ni Efraim na ikinatahimik naman ni Amir.

Sa aming magkakapatid ay si Efraim ang pinakaseryoso at pinakatahimik. Nakakatakot nga lang ito kapag nagalit kaya iniiwasan iyon nila Amir, Grant at Irvin.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now