Phase 13

212 11 1
                                    

"You think I know something when it comes to that? I'll tell Graxsen to come with you today."

"Graxsen? Your cousin? Sabihin mo muna na magjakol para hindi mainit ang ulo. Ang suplado niyan, eh! Susungitan lang ako," I whined.

"Araw-araw kaming may jakol. Wala, ganyan pa rin. May hinanakit sa mundo kaya pagtiyagaan mo nalang. Medyo may kwenta naman siyang kasama hindi gaya ni Greshawn," sambit ni Shade sa akin at sinimulan ng tawagin ang pinsan.

I frowned.

"Sabi mo sasamahan mo ako. Tapos, nagka-jowa ka lang wala ka ng oras sa akin!" pagtatampo ko na tinawanan lamang niya. Sana sinabi nalang kasi na hindi tuloy para sana sumama nalang ako kina Sena at Sameera ngayon.

"If you only agreed to be my girlfriend from the start, I'll dedicate all my time to you in our ten-year relationship," aniya kaya napapadyak ako sa inis.

"As if naman magseseryoso ka," agap ko sa kanyang sinabi. Siya pa na halos magka-aids na sa dami ng naikama?

He chuckled. "Sineryoso ko nga na hanggang kaibigan lang kita..."

"Pero kung hindi, isasama mo ako sa mga babae mo?" iritado kong sabing muli at binuksan na ang sasakyan para pumwesto na sa likuran.

"Ikaw lang ang babae ko —" he whispered, but I didn't hear the last words clearly because I already closed the door.

Hindi naman makapal ang mukha ko na kuhanin ang passenger's seat. Nanatili siyang nasa labas at hinihintay namin ang girlfriend niya ngayon.

Padabog akong umupo at hindi maalis ang pagkasimangot. We have plans to buy a gift for Papa. Kasabay kasi ng araw ng graduation ko at siguradong may regalo siya sa akin at alangan naman ako wala.

I glared at Shade who's knocking the window beside me. Binuksan ko iyon ngunit nanatili akong nakatingin sa harapan. Bahagya siyang yumuko at pinasok ang ulo para makausap ako.

"Sorry, na. Let's move it tomorrow? Promise, I'll come with you," he said softly and poked my cheeks.

Last year ko pa sinabi sa kanya na bibili ako at kailangan niya akong samahan dahil hindi ko alam ang papunta sa Huerta Angeles. Sa kabilang siyudad pa kasi iyon. Tapos kung kailan may pera na ako at walang masyadong ginagawa, makakansela naman.

"Hindi na. Ako nalang ang bibili ngayon," sambit ko at hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"I'll call Graxsen, okay? He knows a lot about guitars. Baka maligaw ka pa at kailangan mo rin ng kasama pauwi," aniya at umiling ako.

I don't want to be with any Prado la Silvestre. Si Shade lang ang sa tingin kong katiwa-tiwala sa kanila. Judgmental na pero gusto ko lang mag-ingat. They have secret powers to seduce girls, gays or lesbians like me. Delikado raw sila gaya ng naririnig ko.

Shade sighed and patted my head.

"Sorry for forgetting about it, hmm? Bawi ako next time..." huling sinabi niya at inayos ang blazer dahil papalabas na ang girlfriend sa university.

"Text me if something happened," habilin niya at hinawakan ang kamay ko. He placed his car keys in my palm. Napakunot ang noo ko nang ibigay niya sa akin ang susi. Ako ang magda-drive?

"Savel prefers commuting when going home. Sasamahan ko siya sa jeep pauwi. Use my car, pina full tank ko na kaninang umaga," he said before he run quickly to welcomed his girlfriend.

Napaawang ang bibig ko sa kanyang sinabi. Did I hear it right? Siya sasakay sa jeep? Ni hindi nga nakatapak iyan sa bus o taxi. I know that his girlfriend doesn't like rich guys. Kaya itong kaibigan ko ay grabe nalang magpaka-simpleng tao.

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Where stories live. Discover now