Phase 26

168 8 1
                                    

Tumakbo na ako ng palihim palabas ng classroom kahit hindi pa tuluyang nagpapaalam ang guro para sa huling klase ko ngayong araw. Hindi ako nasita at mukhang walang nakapansin ng pagpuslit ko. I jumped in excitement and tied my hair in a ponytail.

Nagtataka naman akong tiningnan ng mga nakakasalubong kong estudyante sa hallway. They find me weird because I'm holding a bouquet of red roses in my hand. Laking pasasalamat ko nga at hindi pa nalalanta kahit kanina ko pang umaga dala-dala. Mukha akong ewan pero hindi ko inalintana ang pagtataka nila basta makalabas lang kaagad ng university.

I can't missed this day. Hindi na nga ako nakapunta noong nakaraan at baka hindi ko pa maabutan ang pinakahuling shooting para sa music video ni Alexandro.

I've been busy these past weeks. Nagseseryoso na talaga ako maging sa pag-aaral kaya sinisikap kong maging mabuting estudyante. I need to exert a lot of efforts in my course.

Iori:

The cake is ready. Balloons, check. Foods and drinks, check. Confetti, check! Everything is ready. Basta yung promise mo, ah! A photo with Amihan with me. Mwah. Don't forget! Love you. Ingats!

Napailing ako at natawa sa mensahe ni Iori. I requested her and Jael to continue the decorations I prepare in Xandro's house. Silang dalawa ang walang pasok kaya sa kanila ako humingi ng tulong.

Kaninang madaling araw, sinimulan ko na ang surprise para sa pagtatapos ng shooting ng music video nila ni Delarua. I just want to celebrate the another milestone for him. Ilang araw din kasi siyang pagod dahil sa magkakasunod na tatlong araw na pagsho-shoot. He deserves a blast after those hardworks.

Ako:

Yup, don't worry. Sasabihin ko rin kay Papa na isama ka sa isang performance nila. Thank you so much again, Iori!

Sumakay na ako sa jeep pagkatapos kong ipadala ang mensahe. Hindi ko mapigilan ang mapamura nang makita ang oras. Sana umabot pa ako kung sakali. Kahit kaunting scenes lang niya, gusto kong mapanood. I wish he'll not get surprise if he saw me. Sinabi ko kasi sa kanya na hindi na ako makakapunta.

It was a fifteen minute trip until I saw the shooting location of their music video. Nginitian ako ng isang staff na nakilala ko sa Fashion Fuel kaya hindi ako pinigilan sa pagpasok sa area.

It was an enclosed garden decorated with magical flowers. Inilibot ko ang mata sa paligid at nakita si Delarua na parang diwata. I smiled when I saw Xandro sitting in a bed of flowers. Damn.

He looks like a God who escaped from Mt. Olympus with his white and divine clothing. His right shoulder and a little part of chest were exposed. Maayos rin ang pagkakahawi ng buhok kaya litaw na litaw ang katangian.

Gaya ng inaasahan, madaming tao at mukhang may hinanda ring selebrasyon ang production team dahil ito na ang pinakahuling araw. I made a way to get a better view. Pasimple akong naglakad palapit habang abala ang lahat sa pakikinig sa director.

After a few minutes, everyone step back from their places and positions according to their roles. Ipinagpatuloy muli ang pagfifilm. Narinig kong pinakahuling bahagi na ng video ang kinukuha ngayon.

Delarua is singing something. Naglakad-lakad siya sa paligid at nagpakawala naman ang staffs ng mga pekeng paru-paro para sa special effects. I smiled when I saw how magical the butterflies are. Thumbs up for the art producer who came up to this kind of props.

Pagkatapos ng solo ni Delarua, si Xandro naman ngayon ang kumakanta. Mas lalong hindi ko naalis ang ngiti nang marinig ang papuri ng director. They're already satisfied even it is only a first take.

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Where stories live. Discover now