Phase 29

173 4 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang beses na siyang nagpasalamat, yumakap, humalik sa tuktok ng ulo ko para maiparating kung gaano niya na-appreciate ang lahat ng pakulo ko na naman ngayong araw.

"Nabuburyo na si Rishan sa'yo, Xandro. Baka siya na makain mo hanggang mamaya," panunukso ni Zyris dahil napapansin din niya na paulit-ulit itong si Xandro na nagpapasalamat sa akin kahit siya naman ang nag-effort sa kung ano ang narating niya ngayon.

Nasa sala kaming lahat at sabay-sabay na inabangan kanina ang premiere ng music video nilang dalawa ni Delarua. Guess what? It was trending! It hits almost one million views in less than 24 hours. Maging sa twitter, iyon ang pinag-uusapan at madami na ring nakukuryoso sa kanya maging sa ibang lugar. He became more famous. Nakakainis! Kahit gusto ko siyang ipagdamot pero alam kong hindi pwede.

Ang dami ba namang magagandang babae ang nagme-message na sa kanya. He also gained almost two hundred thousand in his YouTube channel because of that. Delarua's popularity is no joke.

Mabait din pala siya dahil narinig ko kanina, sa susunod na kanta niya ay collaboration ulit sa mga aspiring musicians na hindi pa masyadong nabibigyan ng exposure. She's nice, pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang paghalik niya sa bebe ko!

"Why are you always like this? I should be the one who's responsible for doing sweet things. You're full of surprises. Thank you for making this far with me..." Xandro whispered and rested his chin on my shoulder.

As usual, I was the one who prepared everything again for today's celebration.

Heliocentric is complete. Tinulungan ako nina Sena, Eera at Iori kanina para sa lahat ng paghahanda. Hindi ko alam pero paulit-ulit lang naman ang surprise ko sa kanya pero lagi pa rin siyang nagugulat kapag may ganito.

"Eh kasi po, deserve mo lahat ng ito. Kaya kumain ka na, okay? Baka talagang ako na ang makain mo," pagbibiro ko dahil ang mga kasama namin ay kumakain na.

Halos makatatlong round na nga si Zyris, Iori at Eera na kapwa malalakas kumain. We are all in the living room, watching his music video a hundred times already to add the views. We are all supportive of him.

"How about you?" he asked and tightened the hug.

Para siyang bata ngayon na ayaw akong pakawalan. Our friends were already giving us weird looks but he doesn't mind. Sanay na silang lahat sa kaharutan naming dalawa.

"Busog pa ako. Mamaya nalang kapag manonood tayo ng movie," sambit ko. Sigurado kasi na magpupuyat kaming lahat mamaya.

"Let's eat together later then..." aniya kaya sinamaan ko ng tingin.

"Kumain ka na! Past dinner time na kaya..." pagpupumilit ko dahil hindi pa siya kumakain magmula kanina. Pinapangunahan kasi siya ng kaba para sa release ng music video.

"You two, why don't you just get a room? Respeto naman sa mga single rito!" singit ni Iori na kasabay ni Zyris na lumalantak ng mga fried chicken. Tumawa ako dahil kanina pa siya bitter sa aming dalawa.

"Inggit ka lang, di ka kasi binalikan," pilyong sabi ni Zyris kaya sinipa siya ng mahina ni Iori sa ilalim ng mesa.

"Yeah, don't assume for a comeback with that jerk," gatong ni Xandro kaya pasimple kong kinurot sa tagiliran dahil may pangalan naman si Sylvanus!

Laging jerk ba naman ang tawag.

"For your information, ako ang ang hindi bumalik. Mali-mali kayo ng detalye. Maki-chismis munang maigi, ha? O, kaya abangan niyo nalang yung story ko sa MMK..." paalala ni Iori at tinawanan lamang ng dalawa.

Natuloy ang asaran sa mga sumunod na minuto. When I checked the clock, it's already nine in the evening. Kahit hindi pa ako nagugutom, napagdesisyunan ko ng makisalo sa pagkain para makakakain na rin si Xandro. Ayaw lang niya na wala akong kasabay mamaya kaya hindi muna rin kumakain.

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Where stories live. Discover now