Phase 16

199 9 1
                                    

Tunog ng cellphone ko na hudyat na may tumatawag ang unang nagpagising sa akin kinabukasan. I rubbed my eyes and searched it beside my bed or in the side table but I couldn't find it. Umupo na ako kahit inaantok pa at nakita na nasa ilalim pala ng unan ko.

Kinapkap ko iyon at tila nawala lahat ng antok ko nang makita kung sino ang tumatawag! Why his number is in my contacts? Nagkuhanan ba kami ng numero kagabi? Fuck, wala akong matandaan!

Iginala ko ang paningin sa kwarto. I'm in my room in Sena's house. Damn, what happened last night? Why am I being forgetful these days? Bumaba ako sa kama at sinagot ang tawag habang papunta sa banyo.

I need to wash my face and change my clothes. Nangangati ang aking buong katawan at hindi natanggal ang make up ko!

"Hey, good morning..." Sylvanus' bedroom voice greeted me. Inilagay ko sa loud speaker ang cellphone at ipinatong sa gilid.

"Morning..." tipid kong sagot at sinimulan nang maghilamos.

"Did I wake you up?" he asked.

"Yes. Wrong timing ka. Bakit ka ba tumatawag?" bugnot kong tanong sa kanya at narinig ko naman ang mahina niyang tawa.

"Well, I'm just true to my words," aniya kaya napahinto ako sa pagsasabon ng mukha. What is he saying?

"True to your words?"

"Yup, but you didn't tell me that you have a boyfriend. Ako ang sampid ngayon. So let's just give our farewell in this call, I guess?" tanong niya kaya mas lalo akong nalito.

Pinagsasabi nitong boyfriend ko at farewell?

"I don't have a boyfriend. Saka nagbigayan ba tayo ng numero o nilagay mo lang sa cellphone ko yung sa'yo?" pag-aakusa ko sa kanya dahil hindi ako namimigay ng numero talaga.

He chuckled softly.

"Nagbigayan tayo. Wait, don't you remember what happened last night?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi masyado pero baka maya-maya maaalala ko na rin. Nagkalat ba ako kagabi? Na-ban ba ako?"

"Nope. Kami ang na-ban. Check your boyfriend's lips. I don't like getting involved in fights, but his punches provoked me to hit him back," sambit niya kaya nanlaki ang mata ko.

May away na nangyari kagabi? Paano?

"Na-ban? Bakit?" nalilito ko muling tanong at pilit na inalala. The last thing I remember, I was talking to him, refilling each other's glass. Medyo nakarami kami kaya nakatulog ako sa couch.

"Seriously, woman? Don't drink too much again next time. Tinanggap nga namin yung gig para walang issue tapos magkakaroon pala ng mas malaki," sambit niya kaya napasinghap ako.

Napalunok ako habang nakatitig sa kanyang pangalan na nasa screen.

"Pero bakit mo ako tinawagan?" I asked to confirm if my intuition in my head is fucking true! Did we do it? It can't be!

"I said, I'm true to my words. It was the best I've had so far. Your mouth is naughty last night so I need to shut you up," panunukso niya kaya mas lalong nag-init ang mukha ko.

"Bakit mo ako hinalikan? Baliw ka ba? I will cut your dick when I see you again!" iritado kong sabi at napahawak sa labi. Hinanap ko ang aking toothbrush at mabilis na nagsepilyo.

"Don't blame me for kissing you. Blame yourself for kissing back. That's why I'm calling you right now," he teased once more.

"Malalagot ka talaga. Nakakainis ka! Close ba tayo para halikan mo ako?" singhal ko.

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Where stories live. Discover now