Phase 11

198 11 3
                                    

"Why is your wallpaper like this? Babae ka na ba?" natatawang tanong ni Shade kaya mas binilisan ko ang pagtakbo sa treadmill.

"Sa tingin mo ba mangyayari iyon?" iritable kong tanong.

I'm bathing from my own sweat already. I need to ease my mind from unnecessary things. Work out is the key. Wala na akong pakialam kung maubos lahat ng fats sa katawan ko hangga't hindi nawawala sa isip ko ang nangyari.

I can still feel his soft lips in my inner thighs! The way his fingertips trace my legs, the way I got goosebumps from his voice, and everything he said! It made me paranoid and confused about what I really am. Fuck.

"Pati homescreen, Hollywood actors na putok na putok ang abs. Kung mahilig ka na sa katawan na ganyan, pwede naman na ako nalang," he teased once more while browsing something in my phone.

"Kadiri ka. Huwag mong buksan ang gallery. Baka maglaway ka sa nudes ko," paalala ko sa kanya.

I am confused that's why I need to seek answers. Ginawa ko ang mga bagay na maaaring makapagpaliwanag sa nangyayari sa akin. I searched for some signs on the internet. I watched a lot of porn videos between a man and a woman.

Hindi ako nanonood ng gano'n dati dahil di ko kinakaya. Hanggang ngayon pa rin naman hindi iyon ang gusto ko kaya mas lalo akong nalilito. Mas hilig ko manood ng sex sa pagitan ng dalawang babae.

I also set a handsome and hot actor as my wallpaper. I examined myself nowadays if I'll feel attracted but I didn't! Naglagay na rin ako ng poster ng mga lalaki sa kwarto ko para mas effective pero hindi ako nakaramdam ni isang patak ng pagnanasa.

Pabalik-balik na rin ako dito kina Shade para pagmasdan at lunurin ang sarili sa mga gwapong Prado la Silvestre. Kahit mukha na akong tanga at weirdo na nakatitig sa mga pinsan niya pero ni isa, wala akong naramdaman na katiting man lang na bugso ng damdamin. Hindi man ako naglaway kahit halos maghubad sila kanina noong kasabay kong nagwork out.

I'm searching for something, a certain feeling where a hot sensation will fill my system just like when Alexandro stares at me with his eyes. Yung mahohorny ka nalang at gusto mong manghalik bigla.

That feeling.

"XJVA? Who's this?" Shade asked and showed the screen on my phone. Halos masubsob ako sa treadmill ng makita si Alexandro na tumatawag na naman!

Tangina.

"Huwag! Huwag mong sasagutin!" natatarantang sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya. I tried to get my phone in his hand but he lifted it in the air. Matangkad si Shade kaya inaasar pa ako nang hindi ko maabot.

"Who's this, huh? He's calling you for how many times..." panunukso niya pa habang tinitingnan ang call logs ko.

"Ibigay mo na kasi! Baka mapindot mo pa!" sambit ko at tumingkayad para maabot.

It's been one week since it happened. At walang araw ang hindi niya ako tinawagan. He want us to talk and here I am, I just don't want us to talk. Usap lang? Char. Baka kapag nakita ko na naman siya, ano na namang kagagahan ang maramdaman ko.

"Get a room, don't flirt in front of me," pagpapagitna ng isang Prado la Silvestre na kapapasok lang.

He's Zelan Edel Prado la Silvestre. Matanda siya ng dalawang taon sa akin. Tahimik at matino naman kumpara sa ibang Prado la Silvestre na walang ginawa kung hindi lumandi.

"You jealous?" pang-aasar ni Shade sa pinsan at kinulong ako sa bisig niya.

"Kadiri ka! Yuck! Lumayo ka nga!" nandidiri kong sabi dahil pawis na pawis ang katawan naming dalawa. Kadiri talaga ito kahit kailan. He's topless and I'm wearing my sports bra. Ang lagkit lang!

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Where stories live. Discover now