Phase 37

168 8 4
                                    

Mama was preparing the lunch like what Papa told me. The moment I enter the house, I inhaled the beefy scent coming from the kitchen. I saw her cooking my favorite. Hindi ko siya binati dahil nahihiya akong makipag-usap sa kanya dahil sa pagiging walang respeto kong anak sa mga nakaraang araw.

Pumunta muna ako sa kwarto ni Ate Moira at nakipag-usap saglit bago pumasok ng kwarto. I totally forgot to inform Xandro and my friends about my whereabouts. Masyadong marami ang nasa isip ko kaya nakaligtaan kong magtipa ng mensahe para man lang alam nila kung nasaan ako.

I searched my phone in my luggage. I decided to inform Xandro first. For sure he is allowed to use their phones now because it's weekend. Magkakaroon na rin sila ng break at ayaw kong magulat siya na hindi ako madatnan sa Escalante.

He has an unread message to me saying that their break was moved early. Ngunit bago umuwi ng Escalante, nagkaroon ng maikling selebrasyon kaya sumama siya sa mga kasamang magde-debut. Maybe, they went outside to party or it is just held in his bandmate's house. Ang sabi niya lang may salu-salo.

It was sent a few hours ago.

I checked the time gap between the Philippines and Spain. If it's almost lunchtime here, probably it is five in the morning there. I tried to call him because, knowing Xandro, whether he is drunk or not, he's awake now. Maaga kasi lagi iyong nagigising.

For the fourth call, I decided to typed a message because he's not answering. Ngunit hindi ko pa lubusang natatapos ang mensahe nang marinig ko ang pagbubukas ng gate. Nasa tabi kasi ako ng veranda kaya maayos kong naririnig ang kalansing ng bakal na batid kong may papasok na sasakyan.

Itinigil ko ang pagta-type at dumungaw sa bintana. My eyes widened when I saw Alvaro, Mama's other man, enter the house. Wala siyang kasama dahil mag-isa siyang bumaba sa sasakyan.

What is he doing here?

Napatulala ako ng ilang minuto dahil sa kaba. Pinilig ko ang aking ulo at pinaalalahanan ang sarili na wala namang problema kung narito siya. Maybe he wants to visit Ate Moira.

To end my confusion and curiosity, I went outside my room to know why Alvaro is here. Kabado ako habang tinatahak ang daan pababa. I regret choosing a room in fourth floor. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at kaunting pagod ng makarating sa unang palapag.

I roamed my eyes when I reached the living room. I didn't see anyone around even the maids or guards. Dumiretso ako sa kusina dahil sa tingin ko ay naroon si Alvaro.

"Putangina?!" I exclaimed in anger and surprise when I saw a disgusting sight of my mother lying on the table while Alvaro, the vivacious bastard, was on top of her.

I balled my fist while glaring at them. Bumilis ang paghinga ko at napapikit sa galit. Natigil ang kanilang paghahalikan at natatarantang nag-ayos ng damit si Mama. Mabilis siyang umalis sa pagkakahiga sa mesa at hindi alam ang gagawin nang makita ako.

Putangina? Ano iyon?

Dito pa talaga sa tanginang kusinang ito?

Putangina talaga! Akala ko ba maghihiwalay?

Anong kagagaguhan ito?

Pagkatapos niyang makipaghawak-kamay sa Papa ko at makikipaglandian siya sa iba ngayon?

"Is she your daughter you're talking about?" Alvaro asked while staring at me.

"Ash... Ashanti... magpapaliwanag ako," ani ni Maureen na nakalapit na pala sa akin ngayon. Based on her tone and expression, she regrets what she did, and she was just carried away, but it's not the case anymore!

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Where stories live. Discover now