Phase 03

268 11 10
                                    

"Why don't you get off already? We're here," walang emosyon niyang sabi. Nasa tapat na kami ng bahay pero wala pa ako sa mood bumaba dahil binabagabag ako ng konsensya.

I think he was really offended, okay? Kalahating tao pa rin naman ako para makaramdam na nakasakit ako sa mga sinabi kanina. May pagpapahalaga pa naman ako sa birtud at likas batas moral.

"Mababasa ako kapag bumaba ako," I reason out.

Umuulan kasi sa labas. Shade's umbrella is at the trunk. Medyo malayo ang pintuan ng bahay namin kung saan nakapark ang kotse.

He sighed heavily. Napaawang ang bibig ko nang walang alinlangan siyang bumaba sa sasakyan at tumakbo papunta sa likuran. I bit my lower lip when I saw him getting wet because of the rain.

Ilang segundo rin naman nang makita ko siyang tumatakbo na papunta sa akin. Hawak niya ang payong at binuksan ng mabilis ang pinto na nasa gilid ko. I examined his body. Nagpabasa pa talaga siya.

"Tara! Ano pang tinitingin tingin mo?" pagsusuplado niya kaya tahimik na lamang akong bumaba at nakisilong sa payong.

He pulled me closer. We walked carefully until we reached the main door's of the house. Ngunit hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang pinto nang bumungad na sa amin si Papa na mukhang kanina pa ako hinihintay.

"Saan ka na naman nagpupuntang bata ka? Hindi mo ba alam anong oras na?" he grumbled. Nakapamewang pa siya.

"Alam ko ang oras, may orasan kaya ako."

Papa inhaled deeply. Tumingin siya kay Alexandro at sinusuri dahil siguro ngayon lang nakita.

"Sino naman ito? Bagong kaibigan mo na kasamang mambabae at magkukunsinti na naman sa pagbubulakbol mo?"

"No, sir! I'm not her friend, and even if I, I will not tolerate her naughtiness..." he said while bowing his head.

Ngumiwi ako dahil bakit kailangan pang gumanyan. Biglang naging mabait? Eh kanina parang yelo sa lamig!

Papa smirked at him. He tapped his shoulder and messed his hair.

"Sir... kayo po ba si Morris Federez? Bokalista ng bandang Amihan?" he said while staring nervously at my father. Mukhang nakakita ng artista.

Nabitawan pa ang hawak na payong kanina.

"Kilala mo siya? Paano? Eh, laos na iyang banda na iyan?" I mumbled.

Tumawa si Papa at mabagal na tumango. I gasped when Alexandro stepped backward, covering his mouth in awe while staring unbelievably at my father, who's a member of a not-so-famous and old band.

"Sir, I'm an avid fan. Can I take a picture with you?" tanong niya at natatarantang kinapkap ang cellphone.

"K-Kuhanan mo kami..." bulong niya sa akin habang inaabot ang cellphone. Nanginginig pa ang mga kamay at mabilis na inayos ang damit at buhok.

"Ayaw ko nga..." pagtanggi ko at parang tanga naman niyang hinawakan ang mga kamay ko at nakiusap muli.

"Please, I idolized their band. I've been a fan for ten years now... "

I laughed when I felt his cold and sweating hand. Grabe, talaga bang kinakabahan siya dahil kay Papa?

"Pa! Tingnan mo 'to. Pinipilit ako..." pagsusumbong ko at agad naman niyang binitawan ang kamay ko na mahigpit niyang hawak.

"Both of you get inside. Basang-basa ang kasama mo. Hanapan mo ng damit na pampalit sa kabinet ko, Ashanti..." utos ni Papa at pumasok na sa loob.

"Thank you, Sir! Kailangan ko po talagang magpalit. Madali po akong dapuan ng sakit, " masayang sabi ni Alexandro at hinila ako sa loob ng bahay.

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon