Phase 07

192 10 0
                                    

"Bakit hindi ka pa umuwing bata ka? Nakaharang ka lang dito sa mga nagtatrabaho," Papa scowled and pull me in the corner to move me away from the workers.

"Pa! Pwede bang magbuhat din ako o maghalo ng semento?" pagbabakasali kong tanong at pinanood ang mga trabahador sa kanilang ginagawa.

The way they mixed the cement and water all together looked exciting and fun to do. On the other side, stones and pebbles are separated from the sand by sieving.

"Pumasok ka nalang sa opisina ko. Medyo magulo pa kaya iyon nalang ang linisin mo kung gusto mong makatulong."

I frowned when Papa said that. Ako? Maglilinis? I want to join the construction! Gusto kong magpapawis at magpakapagod. I want to help our workers. Ginagawa na nila ang stage ngayon kung saan pwedeng magperform ang banda sa food park.

"Maghahalo ka ng semento na suot ang uniporme mo? Ang hirap labhan niyan kaya umuwi ka nalang at maaalikabukan ka lang dito."

Napasimangot akong muli at nagtatampong kinuha ang bag. Oo na, uuwi na. Medyo mainit nga rito dahil hindi pa tapos ang bubong. It is only a open space park. Hindi masyadong dinamihan ni Papa ang kainan pero sigurado na papatok sa masa.

Mas malapit kasi itong pwesto na nakuha ni Papa sa gitna ng siyudad kaysa pumunta pa sa Nuevo Sariaga ang mga tao kung saan may food park din doon.

"Pa, una na ako..." pagpapaalam ko at sumaludo. But before I walked out, I remember something.

"Bukas pala, papatattoo ako ulit, Pa," malambing kong sabi para tunog mabait. Alam ko naman na papayagan ako pero mas maganda na magpaalam pa rin para hindi mapalayas.

Papa is not strict. I am free to do what I want, but of course, I know my limitations. He let me have piercings, hair color and style my hair in an undercut.

He allowed me to have my first tattoo the moment I turned eighteen. On my right ankle part, Shade decided on the three small black butterflies as a design. My second is on my left wrist that looks like a butterfly bracelet. The third one is the skull butterfly that was on my back.

"Saan mo papalagay ngayon? Ano paru-paro na naman? Tatadtarin mo ng ganyan ang katawan mo?" he asked while shoveling a sand.

"Side or underboob tattoo," sagot ko kaya nabato ako kaagad ng bimpo na nasa kanyang batok. Saktong tumama sa aking mukha kaya nalanghap ko ang amoy ng pawis.

"Pa! Ang baho. Kadiri naman eh," I whined and removed the dirty towel.

"Sa dibdib mo papalagay? Gusto mo bang mahipuan ka?" aniya at umiling na hindi payag sa plano ko.

"Oh, sa may batok nalang!"

"Bahala ka sa buhay mong bata ka. Basta isama mo iyang si Shade para mabantayan ka sa mga kalokohan mo."

"Kalokohan na naman? Kalokohan ba ang magpa-tattoo?" pangangatwiran ko.

"Ano pa bang tawag diyan kung hindi kalokohan? Ang ganda at ang kinis ng kutis mo, tapos kung ano anong pinanggagawa mo sa balat mo," panenermon niyang muli pero sa huli rin naman ay pinapayagan ako.

"Uuwi na nga ako. Kanina mo pa ako pinapagalitan," sambit ko na lamang at sinukbit na ang sling backpack.

"Mukhang pasaway itong anak mo, Chief. Hindi ba sumasakit ang ulo mo? Siguradong madami na ring napaiyak na manliligaw," singit ng isang empleyado. Kanina pa pala nila naririnig ang usapan namin.

"Pinakapasaway kung alam niyo lang, at hindi mapapaiyak iyan ng lalaki. Mahilig magpaiyak pwede pa," tumatawang sagot ni Papa at umiismid akong naglakad palabas para makauwi na.

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon