Phase 06

198 13 2
                                    

"Nakakainis talaga! Sa susunod, huwag ka ng magpost kapag magkakasama tayo," Sameera complained and threw her phone on the bed.

"Kailangan iyon para makita ni Papa na kayo ang kasama ko," I mumbled and also lie in the bed beside her.

Sumampa na rin sa kama si Sena at dumapa. Mukhang matutulog na ang dalawa dahil madaling araw na rin naman. We did a lot of things a while ago. Kumain, naglaro, lumandi sa omegle at madami pang kalokohan kapag magkakasama kami.

"Bakit? May nagsasabi na naman na nag-threesome tayo?" si Krissena at inilingan na lamang ang mga chismis sa aming tatlo.

We often received comments like that. Dinaig pa ang Supreme court kung makapag-judge! Offensive remarks about us are always present whenever we post some pictures together, either inside a room or a public place.

Sanay na ako dahil magmula bata pa naman lagi na akong inaasar ng mga kalaro ko. Pero mukhang nagle-level up ang mga tao at parang nasa demolition team sa galing manira.

"Oo! Those bitches are fussing about it," iritadong sabi ni Sameera.

"Then it's good for them to spread rumors about us, at least they know to spread something other than their legs," I said. Those ingrates. If being nosy is a job, they're already billionaires.

"True, parang convenience store lang, bukas ng 24/7," pagsang-ayon ni Sena at tinawanan lang namin.

"Hayaan niyo na. Inggit lang mga iyan. Wala eh, maganda na tayo, may pwet tapos malaki pa suso," mayabang kong sabi dahil madami rin na nagreply sa story ko kanina at ang daming kuda.

"Yeah, but not only that. I thought they are hating us because we are pretty but because their boyfriends agreed that we really are, sa atin isinisisi ang lahat," Sameera said and I saw her block, someone, in Instagram.

Mga wala talagang magawa sa buhay. Ang ayos naming humihinga dito para man lang maging worth it ang oxygen na pinaghihirapan ng mga puno tapos sila anu-anong inaatupag.

Kinuha na ni Sameera ang sleeping mask para makatulog na yata. Pipikit na rin sana para makatulog na rin ngunit may naalala ako.

"Sena, bakit wala pa si Alexandro?" tanong ko kay Krissena na patulog na.

Kanina ko pa napapansin na kami kami lang ang narito sa kanila. Walang ingay sa rehearsal room kung saan sila nagpapractice.

Her eyebrows furrowed when I asked her about that. Tila nagtaka kung bakit tinatanong ko ang kapatid niya. Nag-isip ako kaagad ng dahilan dahil itong malisyosang Sameera na katabi ko ay may panghihinalang tingin.

"May... may tatanong lang ako tungkol sa banda. Bubuuin na ni Papa ulit ang Amihan para makatugtog sa opening ng food park. "

Sameera smirked. I rolled my eyes at her. Binaling ko nalang ang atensyon kay Sena na hindi naman binibigyan ng malisya ang pagtatanong ko.

"Baka umaga na uuwi. Kapag kasama sina Jael, kung saan saan nagpupunta..." Krissena replied and picked her phone to check something.

"Hmm... Kuya has no text. Baka hindi dala ang phone or low battery," aniya at nagkumot na para makatulog.

"Matutulog na talaga kayo?" I asked when Sameera is already preparing to sleep. Nawala ang antok ko! Mas lalo akong di makakatulog kapag walang kausap.

"What should we suppose to do at two in the morning? Of course, sleep. Inaantok na ako. Turn off the lights," bulong ni Sameera at naglagay na ng sleeping mask.

"Good night," Krissena whispered and plugged her AirPods.

Ano ba iyan? Matutulog na ba talaga?

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Where stories live. Discover now