Phase 12

207 15 1
                                    

I have no idea what happened and I just woke up in a room that I haven't seen before. Hindi ko alam paano ako napunta dito. Last thing I remember, I was sleeping in the couch at Beat and Booze, the bar where we were at last night. Masakit ang ulo ko pero sanay na kaya hindi ko na masyadong iniinda.

I roamed my eyes around. Ako lang ang mag-isa sa kwarto. This time, I examined myself. I'm still wearing the same clothing. Pinakiramdaman ko kung may mali ba at mabuti wala naman. I'm still virgin. Walang masakit sa bandang ilalim ko.

Walang natanggal o nawala bukod sa aking make-up na buradong-burado. I can't remember if I washed my face but gladly, my make up was removed before I slept.

I get off the bed and walked near the door. Pagkabukas, agad kong napagtanto na nasa third floor ako ng bahay ng mga Agravante dito sa Ciudad De Escalante. Dito ang gym at ang mga bakanteng kwarto na hindi natutulugan.

Sa ikalawang palapag kasi ang kwarto nina Sena, Alexandro, Iori at Jael. Napaawang ang bibig ko nang makita ang nakalagay sa pintuan.

"Rishan's room."

What the hell? Kailan pa ako nagkaroon ng sariling kwarto rito?

"You're awake. Get ready to eat breakfast downstairs," baritonong boses ang kakaakyat lang sa third floor at nakita ako na nasa hallway.

It was Devan, Heliocentric's bassist. Mukhang kanina pa gising. Linagpasan niya ako para buksan ang kwarto na nasa tapat ng kwarto kung nasaan ako natulog.

I peeked inside, the brown hair guy who named Zyris was sleeping there. Ginising siya ni Devan at nakiusap pa ng five minutes. Devan kicked his back jokingly and hit him with a pillow. Tumayo rin kaagad si Zyris at naiinis na pumasok ng banyo.

Naglakad naman kaagad si Devan palabas at suplado akong pinasadahan ng tingin.

"Change your clothes and take a quick shower. Kagabi pa ang suot mo at amoy alak ka pa," aniya at napataas ang kilay ko na parang tunog nandidiri siya sa amoy ko at kung hindi ako nagpalit ng damit.

Akala ko naman talaga kung sinong malinis! Malamang lasing ako kagabi kaya wala ng panahon pa na maligo.

"Ang arte. Eight inches ka ba para magsalita ng ganyan?" mapaghamong tanong ko at tiningnan ang gitna ng shorts niya. Hindi ko makita ang bakat dahil kulay itim.

"Why don't you touch it like what you did to Jael? Then inform us later which one is bigger," kaswal niyang sabi at lumapit sa akin. He's tall like Xandro but his aura is colder. Ang yabang talaga ng presensya niya.

"Hindi ko hinawakan. Nahawakan ko lang," I corrected. Mga lalaki talaga! Pati ba naman iyon sasabihin sa mga kaibigan. Napaka!

He laughed, full of sarcasm. Pilit at peke.

"Your mouth is such a tease," he commented. Umiling siya at linagpasan muli ako para makababa na sa hagdan. That guy. He's really something.

When Devan is out of my sight, I entered again in the room and took a bath. May mga damit na narito at kumpleto ang mga gamit sa loob kaya hindi ako nahirapan na maghanap ng pamalit. I decided to wear an oversized black shirt and cotton shorts.

Maybe Alexandro prepared everything for me. He knows my brassiere size, including this room that resembles my original room.

Pagkatapos kong maligo, kumatok ako sa pintuan kung nasaan si Zyris dahil kabado ako kung ako lamang mag-isa ang bababa.

"Oh. Hi, pretty girl," mapaglaro niyang bati at bagong ligo na rin gaya ko. Magaan ang kanyang presensya pero may kakaiba lagi sa kanyang ngiti katulad ni Jael.

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Where stories live. Discover now