Phase 33

167 7 0
                                    

When I regained my senses, the first thing I felt was a painful prick of a needle in my hand. Kumurap-kurap ako dahil sa nakakasilaw na liwanag. Everything was all white, including my hospital gown. I gasped when I realized where I was right now.

"Shan, what do you feel? May masakit pa ba sa'yo?"

Boses ni Shade ang narinig ko. Hindi pa ako tuluyang nakakasagot nang mabilis na siyang naglakad palabas para magtawag ng nurse. I saw Eera and Sena stand up from their seat. Nakatulog rin at nagising sa boses ni Shade.

"Kuya! Rishan is awake..." si Sena na nasa aking tabi ngayon at ginigising si Xandro.

He's holding my hand while he's sleeping beside me. He's head is resting on my bed. Hindi ko mapigilan ang mag-aalala sa posisyon niya dahil mangangawit siya panigurado.

"Rishan... thank God, you're awake," Xandro sighed in relief and tightened the hold in my hand. Hinaplos niya ang ulo ko at huminga nang malalim ng ilang beses na tila may inaalis na bara sa dibdib.

"Mr. Morris was out for a while. Bumili ng mga foods at medicines that you need to take," sambit ni Eera.

Inilibot ko ang aking paningin sa kwarto. Namilog ang mata ko nang masilayan kung anong oras na. It's eight o'clock in the evening. Maghapon akong tulog? Anong nangyari? Sinubukan kong umupo pero hindi pa kaya ng katawan ko.

"Don't force yourself..." Xandro said to stop me from moving again.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang isang doktor at nurse na tinawag ni Shade kanina. They checked something and asked me what I feel right now and such. Pinangunahan ako ng kaba nang malaman kung bakit ako narito.

I'm sick...

Ngunit nakahinga rin ako ng maluwag dahil hindi naman ganoon kalala ang dengue na tumama sa akin at kailangan ko lang manatili sa ospital ng isang linggo. May hinabilin ang doktor sa akin ng mga anong dapat gawin bago umalis.

Bumaling ako kay Xandro nang mawala ang doktor at nurse sa kwarto.

"Kumusta ang audition?"

He stilled in his place when I asked that. Lumunok siya at napayuko nang kaunti. Tumitig lang siya sa kamay naming magkahawak. I gasped when I can sense something. Sinikap kong igalaw ang isa kong kamay para hawakan ang baba niya para magtagpo ang aming mata.

I gave him a warm smile. "Sorry kung wala ako kanina. Magpapagaling ako kaagad para masamahan kita sa Level two."

Nanatili siyang walang kibo kaya tumingin ako kina Sena kung anong problema. Hindi ba siya pumasa? Ayos lang naman kung oo. He can audition again next year. Sena bit his lower lip and nudge Eera's waist using her elbow. Sameera cleared her throat and crossed her arms.

"Hindi siya pumunta sa audition dahil binantayan ka niya rito. We were all worried at you," Eera stated.

Ha?

Ano?! Hindi nag-audition?!

Mabilis akong humarap kay Xandro pagkatapos marinig iyon. Hindi siya pumunta?

"Hindi ka nag-audition?" pangungumpirma kong muli at nanghihina ang katawan, pinilit kong makaupo sa kama para makausap siya ng maayos.

He smiled a bit and slowly shook his head. Napapikit ako dahil sa kanyang tugon. Why did he missed the chance?! He has the potential to pass! Siguradong inaasahan siya ni Calvin na sasali ngayong taon! It is already a great opportunity. Nag-practice siya ng halos isang buwan para rito.

"Bakit hindi ka nag-audition? Baliw ka ba?!" I can't help to raise my tone.

Hindi siya umimik at hinigpitan lang ang hawak sa kamay ko.

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Where stories live. Discover now