Phase 32

166 8 0
                                    

"Paano kapag naging sikat ka na? Tapos kakausapin ako ng manager mo at aalukin ako ng pera para makipag-break ako sa'yo? Hindi ba kapag ganyan bawal magka-girlfriend? Baka magka-love team ka rin kung sakali..."

Hindi ko maiwasan na isipin lahat ng posibilidad. Xandro and Papa have been practicing for the audition for almost three weeks. Everything is settled already, including the requirements and the song he'll use for his performance.

May level one, level two at level three pa na hindi ko maiintindihan. Pero sigurado na ako na makakapasok siya kahit halos tatlumpung libo ang sasali. Habang tumatagal, pabawas sila ng pabawas at alam kong makakaya niya hanggang sa dulo. They'll only choose five talented artist to form a vocal band.

That's why I can't help to worry. What if having a relationship with me will start a conflict in his upcoming career?

"What if it happened? Are you going to break up with me?" tanong niya pabalik kaya natigilan ako.

"Kung para sa pangarap mo... siguro."

Huminga siya ng malalim at itinabi ang gitara. Nasa may music room kami ng food park at kakatapos lang niyang magperform kanina kasama ni Marahuyo. By the way, Marahuyo will audition too. Same agency pero magkaiba dahil magkahiwalay ang lalaki sa babae.

"Then I should back out now? I don't want any break up with you..." he said softly and took a seat beside me.

Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Anong magbaback-out? Siraulo ba siya?

"Possibility lang naman iyon, okay? Paano lang kung ayaw ng agency na may mga girlfriend ka? Ngayon pa nga lang, ayaw sa akin ng mga fans mo. Sa mga idol din kasi sa Korea —"

He put his finger on my lips to stop me from talking.

"It won't happen. I'll assure you that."

"Pero paano nga —"

He gave me a peck on my lips.

Napasimangot ako dahil sa tuwing pinag-uusapan namin ang ganito, lagi niyang pinuputol ang topic. It's not that I'm planning to break up with him but we can't really ignore the possibility. Noon, hirap na hirap si Mama sa sitwasyon nila ni Papa dahil nagkaanak sila kaagad sa murang edad. Naging dahilan rin iyon sa kahirapan ng pagsikat ng banda.

"Mas maganda kasi na pag-usapan na natin. Alam ko na paulit-ulit mo nang naririnig ito pero malayo ang mararating mo. Ayaw ko lang na magkaroon ka ng problema dahil magiging sagabal ako kung sakali."

"Sagabal? Why would you become a hindrance if you're also the one who helped me to make everything possible?" aniya sa mahinang boses.

I can sense from his tone that he's hurt when I'm telling him about breakups and such.

"Sorry. Hindi ako makikipaghiwalay talaga. What if nga lang na mangyari iyon? We can make our relationship in secret. Mamaya, burahin mo na rin ang mga pictures natin sa Instagram mo..." suhestiyon ko kaya napayuko siya na tila may iniisip.

"Because of that reason? That's why you don't want everyone to know we're together?"

I nodded slowly while biting my lower lip. I already prepared myself for this. I don't post much of our pictures, unlike him. Halos ako na nga ang laman ng Instagram niya. He'll be a successful singer-songwriter. I'm sure of that.

Kapag nalaman nila na may relasyon kami, ma-e-exposed rin ako at madadamay pa siya sa bulok na image ko. I have a lot of haters in social media. Isama pa na malandi ako noon at madaming girlfriend. Mukha pang kaladkaring babae kahit hindi naman.

"Let's not think about it for now. My audition is two days ahead. You'll come with me, right?"

"Oo naman. Ang tagal kong naghintay para sa kanta na kakantahin mo kaya kailangan mapakinggan ko."

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Where stories live. Discover now