Phase 23

180 8 0
                                    

"Ganda ng katawan mo girl. Parang nagsusukat talaga ako ng mannequin," papuri ng isang emplayado na naatasang magsukat sa akin.

Ngumiti akong muli at halos mangalay na ang panga dahil kanina pa ako nakakarinig ng papuri. I was overwhelmed and touched. Nakakahiya na nga dahil may mga kasama akong modelo na batid kong naiingayan na.

Sa tuwing may papasok kasi na manager, make up artist, o kahit sinong empleyado, hindi maaaring mawala ang komento sa akin.

Ganda ko kasi.

"May boyfriend ka na ba? Sigurado mayroon na ano?" tanong naman sa akin ng isang hairstylist na nasa gilid ko. Iminuwestra ng empleyadong nagsusukat sa akin ang upuan na bakante.

"Wala po," sagot ko at umupo na sa nakaset-up na mesa para dito ako ayusan at lagyan ng kolorete sa mukha.

"Why don't you ask her if she has a girlfriend?" singit ng isang modelo na nasa may malapit.

Napatingin ako sa kanya sa salamin at nakita kong nakangisi siya ng maarte sa akin. Bumaling ang mga empleyado sa kanya at linipat ang tingin sa akin kinalaunan na may nalilitong mata. Ngumiti lamang ako ng tipid at hindi nag-abalang sumagot.

"Ah, I mean. You're Rishan, right? St. Scholastica? I heard rumors kasi na puro lesbian at bisexual ang mga nag-aaral doon..." dugtong niya kaya napaangat ang kilay ko.

She knows me.

Sinuri ko ang kanyang mukha at hindi ko matandaan kung nakita ko na ba siya. A girl with brown hair, full lips and tattooed eyebrows it's not my type so she'll not catch my attention. At kung nakita ko na siya noon, makakalimutan ko rin dahil hindi siya tatatak sa alaala ko.

"Rishan? Maurisse Ashanti from St. Scho? She's here?" tanong ng kararating lang na modelo rin. Pinasadahan niya ang kwarto at nanliit ang mata nang makita ako.

"Woah. You're sexier in person," she said and occupied the seat beside the girl who just talked to me.

"Of course. Kissing burns more than 25 calories per minute. No wonder why she's skinny..." sambit ng isang maikli ang buhok na kanina pa nakikinig. Binigyan niya ako ng nakakainsultong tingin.

"Well, I heard that the best part of her is her lips, so it's not surprising," sambit muli ng babaeng pina-tattoo ang kilay.

Wow. She rolled her eyes at me before she close them. Linalagyan na kasi ng eyeshadow. May plano ba silang pagtulungan ako rito? It's only my first day here. Baka hindi na ako uulit kung ganito lang pala ang mga modelo na kinukuha nila. Akala ko guni-guni ko lang kanina ang iritado nilang tingin nang dumating ako pero parang may galit yata talaga sila.

"Ate, siya na po ba ang mag-aayos sa akin?" tanong ko sa hairstylist nang makita ang isang babae na nasa pintuan na.

"Oo, iyan na..."

"Nariyan na ang magmamake-up sa akin. Sa susunod ko nalang kayo kakausapin kapag may kwenta na ang mga sasabihin niyo. And the best part of me is I'm not you, tattooed eyebrow girl..." pahayag ko at medyo tinaasan ang boses.

Suminghap siya sa aking nasabi at napadilat ng mata. Akmang may sasabihin sa akin ngunit nagpakawala siya ng malakas na hiyaw. I laughed secretly when she groaned in pain when her make up artist accidentally dab the brush in her eyes. Bigla ba naman kasing dumilat, ayan tuloy.

"Miss, sorry po!" natatarantang paumanhin ng artist na hindi alam ang gagawin.

"Ano ba? Oh my god! Ang sakit!" reklamo niya at mabilis na naglakad palabas habang maluha-luha ang mata. I hope it's nothing serious. The other models laugh too when she's out of the room.

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon