Chapter 25: Kiss me

Start from the beginning
                                    

Kinagat nya ang ibabang labi nya habang nakangiti.

“mukha ba talaga tayong magjowa?” mahinang tanong pa nya.

Napanganga ako.

What the…..

Mabilis akong nagpalinga linga sa paligid kasi baka may makarinig. Nasa field pa naman kami dahil hindi parin tapos ang school fest at madami pang nagkalat na booth.

Salamat sa juice at walang nakarinig pero marami namang matanglawin na nakamasid samin. Sa kamay naming actually.

Parang biglang nagmilagro dahil nung alisin ko ang kamay ko, hindi nya na ko napigilan pa.  ibinulsa ko agad yung kamay ko para hindi nya na mahawakan. Namimihasa ang gago. Tssss.

                       

Ngumuso sya na parang bata at binelatan ko naman sya.

Napagtanto ko lang… ang childish naming dalawa. haha.

“Babes!” may biglang pumulupot sa braso ko at bago pa man ako makapalag ay hinigpitan na ni Gory ang kapit nya. “samahan mo ko babes. kain tayo”

 

Sasagot na sana ako pero inunahan ako ni V.

 

“can’t you see? Magkasama kami?!”

Ngumanga si Gory na animo’y hindi sya makapaniwalang  pinagtaasan sya ng boses ni V.

“excuse me? Babes ko to kaya sakin sya sasama.” Hinatak ako ni Gory pero pinigilan nanaman ako ni V. kung tutuusin, mas gugustuhin kong kay gory sumama kasi naiilang ako sa kasweetan ni V.

“hindi sya lalaki kaya hindi kayo talo. Maghanap ka ng iba Gorio!”

Nanalaki ang mga mata ko at ganun din si Gory. Para akong nabato sa pwesto ko dahil sa sinabi ni V.

Nagulat ako dahil walang pigil nyang binitawan ang mga salitan yun.

Paano kung may nakarinig? Paano na ang sikreto ko.

tumingin sakin si Gory na akala mo’y hindi alam kung anong isasagot. Marahil ay kinabahan din sya dahil muntik nang mabuking ang sikreto ko. pasalamat nalang talaga at walang nakadinig.

“V” nangunot ang noo ko. Tumingin sya sakin at biglang kinabahan ang mukha nya. siguro ay dahil sa masamang tingin na ipinukol ko sa kanya.

“s-sorry” kabadong aniya. “sorry Pare. I didn’t mean to----“

“alam ni Gory ang totoo” seryosong sabi ko. nanatiling nakatingin sakin si V at hindi parin nabubura ang kaba sa mukha nya.

Narealize nya na sigurong hindi ko nagustuhan yung sinabi nya. Pinatunayan nya lang sakin na hindi safe ang sikreto ko sa kanya. Na hindi nya kayang ingatan at itago ang sikreto ko. pano nalang kung sa ibang tao nya nasabi yun? Edi nabuking na kaagad ako?

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now