Epilogue

22 5 2
                                    

A/N: So heto na! Ang huling chapter ng LOM. And yes huli nato. But before you proceed I just want to thank you Kimchees for reading this story. At nakarating kapa sa huling chapter nito!? Wah!! Isn't that amazing bwahahah. Thanks once again and enjoy reading this last chapter XD.





Love or Money

[Final choose] For Love or Money?





Ken's POV

Year's later.....

"Ken bilisan mo!"

Kanina pa ako hinihila ni ellie. Nasasayang ang toga ko sa kanya. Hindi pa kami nakakarating, parang nakakarinig na ako ng fireworks sa paligid dahil sa ingay ng boses nito.

"Pwede ba? Masisira damit ko niyan eh." Inis kong sabi.

"Ito naman, gagraduate na nga eh ang dami pang arte." Sabi nito at kamay ko naman ngayon ang hinila papasok sa kotse nila.

Bakit hindi nalang 'yun amin eh!

"Bilis bilis bilis!"

Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong si ellie, kanina kopa siya sinapak side by side. Pinauna niya akong pumasok sa loob at sumunod naman siya.

"Let's go!" Masigla niyang sabi.

Ang highper. Excited?

Hindi pa nagistart ang sasakyan, parang nakamotolite na naman ang kaibigan ko. Dada na naman siya ng dada. At paniguradong matagal na panahon bago siya matatapos.

Kairita na.

"Oh my gosh sobrang excited ko ngayon!" Tinitiling sabi niya. "Grabe ken, dati pinapangarap ko lang 'to! Ngayon, natupad na gosh... kasama ka!" Lumapit siya sa 'kin para yakapin ako.

Napailing naman ako at niyakap din siya pabalik. Iisipin ko nalang na parang wala lang ito.

Ngayong araw ang araw na pinakahihintay ng lahat. Kasali na ako dun. Madaming araw na pinagisipan ko ang bagay na ito. Lalo na sa pamilya kong hindi ko aakalain na susuportahan ako. Gaya nga ng gusto nila, bumalik ako sa pag-aaral. Ayaw sana ng dean ng school namin na mag-aral ako sa as usaual na grade 12 pero wala rin siyang nagawa dahil kinausap siya ng pamilya ko at ang epal na si kyle.

Ayoko sana dahil gusto kong sariling sikap ang ginagawa.

Bumalik ako sa school namin. Nag-aral ako muli bilang Senior high. At ngayon, tutungtong na ako sa college kasama sina ellie at syempre si kyle daw. At dahil bumalik na ako, isa pang good news sa sarili ko ay inurong na ang kaso laban sa 'kin. Dahil wala naman daw talaga akong kasalanan base sa imbestigasyon nila. Napatawad din ako ng may ari ng pinagnakawan ko.

At ngayon, si loli ang magbabayad lahat.

Ngayong araw ang graduation namin ng mga grade 12, so sa susunod na taon college students na ako! At kapag nakatungtong na ako sa kolehiyo, matutupad kona ang pangarap namin ni nanay.

Ang Chef ng bayan.

"Dito na tayo!"

Tumingin ako sa labas kung saan may mga studyanteng naglalabas-pasok sa main gate. Mas lalo ata akong kinabahan dahil nakakahiyang iharap ang pagmumuka ko ngayon.

"Ken?" Tawag sa 'kin ni ellie. "Dali, matatapos na speech ng jowa mo."

Napailing ako sa sinabi niya. Wala akong nagawa kun 'di lumabas. Ang totoo niyan, kanina pa kami late ng kasama ko. Mas inuna pa kasi niya ang pagpapaganda sa sarili kesa sa ceremony namin.

 Love or MoneyWhere stories live. Discover now