Chapter 39

9 6 0
                                    

Love or Money

[39] Treat





Ken's POV

Another day.... another life.

Yawnnn.....

Maaga akong nagising dahil kailangan kong makabawi sa nalagpasan kong trabaho noong nakalipas na araw. Paakyat ako ngayon sa kwarto ng alaga ko para gisingin ito. Kailangan niya ngayon maagang magising dahil sa daily check up nito.

Ang pagkakaalam ko sa Monday at Saturday ang araw kapag aalis siya sa mansion. At ang dalawang araw na 'yun ang chance ko para magpakarelax sa mansion na 'to habang wala ang alaga ko.

Nakarating ako sa harap ng pinto ni kyle. Kumatok muna ako bago buksan ang pinto nito.

*Knock *Knock.

"Sir? Si ken 'to. Gising ka na ba?" Tanong ko habang kumakatok.

Nakarinig ako ng sagot sa kabila. Hindi ko na pinaulit pa dahil alam ko ang ibig sabihin nun.

It means "come in."

Hinawakan ko ang doorknob at dahan dahan 'tong pinihit. Sumilip ako at hinanap siya sa paligid. Hindi naman ako nahirapang hanapin ito dahil nakaupo ito sa balcony habang nilalanghap ang hangin na tumatama sa muka niya.

How to be you hangin.

Pumasok ako at dahan dahan saka sinara ang pinto. Lumapit ako sa kanya ng hindi umiimik. Nang makarating ako, naramdaman ko kaagad ang simoy ng hangin.

Ahhhh..... ang sarap sa pakiramdam. Napapikit ako habang dinadamdam ang sarap ng hangin na tumatama rin sa muka. Siguro malapit nang magbagyo. Sobra kasi ang lakas ng hangin dito sa taas.

Sandali ko pang dinadamdam ang hangin ng may maalala ako. Hindi pala ako pumunta dito para magpahangin. Bumalik ako sa aking reyalidad at hinarap ang kasama ko na kanina pa tulala. Akmang magsasalita na sana, ng mapagtanto kong maaga pa naman. Wala naman sigurong problema kung dumito muna kami para magtambay--

"Are you here to pick me up?"

Napakurap kurap ako. "P-paano--?"

"Good." Tumayo siya ng hindi ako pinansin. "I've always wanted to stretch my body." Dagdag niya at akmang itataas ang mga kamay, ng makarinig ako ng busina ng sasakyan.

"S-siguro sa hospital mo nalang i-stretch ang katawan mo," hinila ko siya paalis sa balcony. "Nandiyan na ang sundo mo. Hindi naman pwedeng malate ka sa check up."

Patuloy parin ako sa paghila sa kanya hanggang sa makalabas kami sa kwarto nito. Narinig ko pa ang pagtawa niya ng isara ko ang pinto.

"Why so rush?" Bulong niya.

Wala lang... para makapagrelax na ako.

Inalalayan ko siyang lumakad pababa sa hagdan hanggang sa makarating kami sa tapat ng pinto. Nakisabay sa amin si ate D na lumabas. Pagkalabas namin, bumungad ang puting kotse sa harap ng pinto.

Bongga! Pinasok 'yun kotse dito mismo sa loob.

Bumukas magisa ang pinto sa likod ng sasakyan at inalalayan kong pumasok si kyle sa loob. Nakangiti pa ako habang ginagawa ang trabaho. Kailangan kasi niyang magmadali dahil baka late na siya sa school-- sa check up niya.

Isasara kona sana ang pinto ng mapatigil ako. Taka akong napatingin kay ate D ng buksan niya ang pinto sa tabi ng driver's seat saka sumakay. Bumama ang bintana sa likod kung saan nakapwesto si kyle at ganun din sa pwesto ni ate D kasama 'yun driver.

 Love or MoneyWhere stories live. Discover now