Chapter 4

38 9 2
                                    

Love or Money

[4] Stalker



Ken's POV

Napagod ako kahapon. Wala akong inisip kun'di 'yung perang natanggap ko galing kay santa clouse. Hindi ako makapaniwalang may nagbigay sa'kin ng ganun kalaking halaga.

"Ahh basta may gagawin ako ngayon!!" Pagdadahilan ko kay zohan.

Kanina pa niya ako kinukulit na samahan siya sa bukid. Ba't ako sasama eh siya ang inatasan ni tatay na magbantay dun. Umasa ka sa wala.

"Sige na, darating ang mga kaklase ko ngayon." Pagpipilit niya. "May gagawin pa kaming project oh." Inirapan ko siya.

"Alam mo sa dami ng pwede mong idahilan, 'yang project pa talaga."

Inis nitong kinamot ang ulo. "Gagala lang naman kami eh. Hahantingin lang naman namin ang grupo nila loli. Hindi ko papalagpasin ang ginawa nila." Matapang na sabi nito.

"Yan..... dyan....... dyan ka magaling." Inis na sabi ko. "Pag ginawa mo 'yun mas lalong lalala ang sitwasyon. Buti sana kung meron reresbak sa'tin. Ni grupo wala tayo." Hindi ginagamit ang utak tanga ne'to.

"Ah basta planado na ang lahat sa'min." Binatukan ko siya. "Aray naman!!" Reklamo nito.

"Anong planado?! Planaduhin ko kaya 'yang muka. Tignan natin kung may ihaharap kapang muka sa mga chicks mo." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Bahala ka diyan. Buti sana kung tao 'yun mga chicks ko."

"Ahh oo nga no. Wala ka nga palang chicks." Pag aasar ko sa kanya. "Totorpe torpe ka kasi."

Nagsalubong ang kilay niya at padabog na umalis. Yezzzz success makakaalis na ako ngayon. Hinintay ko muna siyang makaalis sa labas bago ako tuluyang tumakbo sa banyo.

Diz sisit. Malalaman kona kung totoo talaga ang hinala ko sa lalaking 'yun. Wala naman dapat akong pake sa animal na 'yun, pero nakucurios ako sa kanya.

Tinapos kona ang pagliligo at agad na nagbihis. Kung ano anong damit na ang nahahalungkat ko. Pati brip(brief) ni zohan muntik ko nang maisuot. Tang*na niya mas makalat pa ang gamit niya kesa sa'kin. Inis kong itinabi lahat ng damit niya.

Wala ngayon si tatay. May kakilala lang daw siyang gustong makipag kita sa kanya. Binilin ko naman na wag siyang magtrabaho, kaya wala akong proproblemahin ngayon.

Inayos kona ang mga dapat ayusin at agad na lumabas ng bahay. Yes aym pri(free). Hindi ako magtitinda ngayon ng turon ko kaya malaya akong gawin ang gusto ko.

Bumalik ako sa lugar kung saan kami nagbunggo ni tarzan. Pero parang hindi ako sigurado kung tama ba ang daan na hinahatak ko. Ok nawawala na naman ako. Pabalik balik ako ng dindaanan. Mukang nawawala nga talaga ako.

Nasaan ka naba kasi, shang*na naman talaga!

Wala na suko na ako. Ayoko na. Bwisit na 'yun. Kung bakit ba kasi kailangan ko pa siyang hanapin. Eh diba bayad na siya. Sapat na dapat 'yun perang binigay niya.

Inis akong umupo sa bench. Maganda at makinis na kahoy ang gawa nito. In pernes (fairness) ha pang mayaman. Dito ko muna pinalipas ang inis na nararamdaman ko.

Hayyyy!

Kung ayaw niya magpakita ulit edi don't. Tinaggal ko ang sumbrero ko sa inis. Nakaupo lang ako na parang ewan. Muka akong iniwan ng magulang sa itsura ko.

Tumambay pa ako roon ng ilang oras. Naiinip na ako. Nagugutom na din ang mga bulate ko. Bumuntong hininga ako at naisipang umuwi nalang kesa tumunganga dito.

 Love or MoneyWhere stories live. Discover now