Chapter 12

29 7 3
                                    

Love or Money

[12] Assistant who?




Ken's POV

Parang gusto ko nalang umatras at tumakbo habang maaga pa. Kumakabog ang puso ko sa sobrang takot nito. Pakiramdam ko kukunin nila ang katawan ko at iiwan ang kaluluwa sa labas.

"Welcome back po Miss Caren." Bati ni manong guard.

Ngumiti lang 'tong kasama ko at inutusan na pagbuksan kami. Ginawa naman niya at akmang tatabi na sana, ng mapansin niya ako dahilan para tumingin din sa'kin 'tong si Miss Caren daw.

"Oh ma'am, kayo pala. Maligayang pagbabalik muli dito. Nako siguro nandito kayo para-"

"Excuse me, madam is waiting." Singit ni Miss Caren. "Now if you please step aside." Nakangiti pero seryosong sambit nito.

Nakikingiti narin ako at tumabi naman 'tong si kuya.

'Yan kasi tsismoso ka masyado.

Tuluyan nang bumukas ang malaking gate at niyaya akong pumasok ni Miss Caren. Napahawak ako ng bigla sa dibdib ko at dinahan dahan kong lumakad papasok. Jusko bumalik na naman ako dito. Nandito na naman ako sa malapalasyong bahay na dinaig pa 'yun castle ni elsa sa frozen.

Basta 'yun na 'yun, 'wag na kayong umangal.

Mabigat ang bawat hakbang ko habang hinahatak ang daan nito patungo sa palasyong nagniningning ang gusali mapa puno to halaman hanggang sa main door nito.

Grabe ang lawak ng paligid. Ngayon ko lang nakita ang fountain na nakaparada sa harap ng bahay. Malapit na kami sa pinto ng bigla akong mapatigil. Tumigil din si Miss Caren at nagtataka niya akong tinignan.

"Is there something wrong Miss Concepcion?"

Nginitian ko 'to na kunwari wala. "Ken nalang po. 'Wag na 'yun Miss Concepcion."

Imbes na pansinin ako, dinedma niya lang ang sinabi ko at nauna nang naglakad palapit sa pinto.

Aba dinedma lang ang ganda ko!

Inis akong sumumod sa kanya at tumigil sa likod nito. Wala akong balak na tabihan siya o lapitan man lang dahil naiinis parin ako. Wala man lang nagsabi na ang babaeng nabangga ko kahapon ay siya pala may ari ng palasyong 'to. Kingina maling mali 'to!! May pinindot si Miss Caren dahilan upang bumukas ang malaking pinto.

Wat?! May pinto palang bumubukas na mag-isa.

Nagugulat kong pinapanood ang pinto habang bumubukas ito mag-isa. Maaamaze na sana ako kaso may sumira. Bigla nalang kumunot ang noo ko sa inis. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis na sa pagaakala na bumubukas magisa ang pinto 'yun pala may taong bumukas para dito.

"Welcome back Miss Caren." Nakangiting bungad ng isang nurse.

Hospital ba'to? Bakit may nawawalang nurse dito? Jusko magaapply ata ako bilang assistant ni doc. Magiging nars na rin ata ako kagaya ng isa sa harapan ko. Tanging pagtango lang ang sinagot ni Miss Caren at pinauna niya akong pumasok sa loob.

Pipi ba ang isang 'to? Ang bitin kung sumagot.

Pacinderella akong pumasok sa loob. Kunwari hinahanap ko si prince charming. Kahit ang totoo naghahanap ako ng pwedeng pagtakasan. Narinig ko ang pagclick ng pinto at lumabas ang mga ibang nurse na kagaya nitong bumungad sa amin.

Binati nila si Miss Caren at tanging pagtango lang ang ginagawa ko. Huwag niyo akong lalapitan hindi ako pumunta dito para magpakonsulta kay doktor. Kung sino man 'yang madam doktor niyo pakisabing paalisin na ako dito. Matapos ang mainit na pagwewelkam nila sa'min, bigla nalang may humatak sa'kin palayo at dinala ako sa isang simple pero mukang mamahalin na sofa.

 Love or MoneyWhere stories live. Discover now