Chapter 23

15 9 0
                                    

Love or Money

[23] Offer





Ken's POV

Stretch......

Stretch......

Stretch......

Hayy ang sarap talagang matulog sa umaga. Lalo na kapag puyat na puyat ka sa gabi. Ilang araw na ang nakalipas bago ako dumating sa malapalasyong bahay na 'to. Ilang araw na rin ako nagpupuyat para makahanap ng pwedeng paghiraman ng pera.

Kahit magpa give away lang sana.

"Ohh ano? Wala parin?" Tanong ng kung sino sa likod ko.

Nagugulat akong tumingin dito. Si ate D lang pala habang may hawak hawak na timba.

Sumimangot ako. "Wala eh, ang dadamot nila."

Para akong nabigo. Ang hirap kasi umutang lalo na kapag madamot 'yun paguutangan mo.

Gaya nitong kasama ko.

"Eh saan kana kukuha niyan ngayon?" Tanong nito.

Lumapit ako sa kanya para tulungan siya sa pagsampay ng mga nilabhan namin.

"Hindi ko alam ate D. Wala naman akong ibang kakilala kun'di 'yun mga kapitbahay namin na madadamot."

"Hmmm, alam mo ang mas magandang gawin?" Tanong nito na ipinagtaka ko. "Kay sir."

Kumunot ang noo ko. "Anong kay sir?"

"Si sir... kay sir ka nalang umutang. Malay mo pumayag siya--"

"Hindi....." umiiling na sagot ko.

"Eh wala ka ng pagpipiliin pa. Siya nalang ang pag-asa mo oh. Depende nalang kung may nakilala kapa."

'Yun na nga eh.... siya nalang 'yun huli kong pag-asa.

Nahihiya akong umiwas ng tingin. Pasimple kong kinamot ang ulo at umubo. Ang totoo, hindi pa niya talaga alam kung para saan 'yun pera. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na binigyan na ako ni kyle ng pera, pero dahil sa pagiging pabaya ko nakuha 'to ng mga hayop.

HAYOP NA KAGAYA NILA LOLI!

"Hindi, may iba pa naman siguro diyan. Makakahanap din ako." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Ikaw bahala," sabi nito habang may nginunguya. "Pero kung walang wala ka na talaga, may isa ka pa namang option."

Isang option na sinayang ko lang.

May inabot sa'kin si ate D na baso at nagtataka ko 'tong kinuha.

"Kainin mo na 'yan, nakakasawa pala." Naiinis na sabi nito.

Tinignan ko 'yun at tunaw na icing lang ang nakita. Napangiwi ako sa inabot nito sa'kin. Mamimigay na nga lang ganito pa. Kinuha ko 'yun kutsara at kinain ang tunaw na ice cream.

Napapikit ako sa lasa nito. Sobrang tamis namputcha! Kaya naman pala nakakasawa dahil sobrang tamis. Hindi ko na 'to inubos pa at nilapag nalang sa lamesang malapit sa akin.

"Ikaw nalang kasi," patungkol ko kay ate D.

Taka siyang tumingin sa akin. "Anong ako? Naku naman K.... sa tingin mo ba may pera ako. Jusko eh pare-pareho lang tayo dito na naghihintay ng sweldo."

Naiinis akong kumuha ng damit at sinampay.

"Eh sabihin mo kasi kung para saan, para makatulong din ako."

 Love or MoneyWhere stories live. Discover now