Chapter 14

16 7 1
                                    

Love or Money

[14] Name



Ken's POV

Aray ko!!!

Hindi ko alam kung kailan matatapos ang nightmare na 'to. Minasahe ko ang balikat sa kaliwa kong kamay dahil kingna ang sakit sa katawan kung umutos ang alaga ko.

May balak ba siyang patayin ako sa pagod?

Bumuntong hininga ako bago tumayo at pagpatuloy ang ginagawa. Inayos ko na ang iinumin nito saka inis na lumakad papunta sa kwarto niya. 'Pag ito hindi pa niya ginalaw, babasagin ko talaga ang bungo niya gamit nitong hawak ko. Nakarating ako sa harap ng pinto at inis na kumatok.

*Knock *Knock.

"Sir andito na meryenda mo!"

Wala akong natanggap na sagot sa kanya kaya binuksan ko nalang ang pinto at hinanap siya. Wala akong nakita ni anino nito sa loob ng kwarto.

Nasaan na naman ba siya?!

"Sir?"

May narinig ako na kaliskis sa loob ng banyo at biglaan nitong pagflush sa kung anong bagay. Inilapag ko ang meryenda sa study table niya at dahan dahan na lumapit sa pinto nito. May narinig na naman akong kaliskis kaya walang ano ano'y buong lakas ko 'tong binuksan na sana hindi ko nalang ginawa.

AHHHH MAY PANDESAL AT HOTDOG SA LOOB!!!!

Napatakip ako sa bibig at pabalibag na sinara ang pinto dahilan para gumawa ito ng malakas na ingay. Narinig kong sumigaw ang tao sa loob.

"WHAT THE HELL-! Who the hell was that?! What the hell just happened?!" Nagugulat na sigaw nito.

Napatakip ako sa bibig at sumandal sa kalahi kong pader din.

Shet!!!

Huminga hinga ako ng malalim at napapikit. Narinig ko ang pinto at bigla itong bumukas. Magtatago na sana ako ng makarinig ako ng pagsuntok sa pader dahilan para mapahinto ang paa ko.

"WHO THE FVCK WAS THAT?!" Malakas na sigaw nito.

Shet kawawa 'yun pader.

Lumunok ako bago dahan dahan na ginalaw ang paa ko paharap sa kanya. Bumungad sa 'kin ang galit na galit nitong itsura pero as usual sa malayo parin ito nakatingin.

"Sir-"

"Ate D Is that you? What the hell do you want again?!"

Wow pinangunahan ako.

Bakas ang galit at inis sa itsura nito. Pinapakiramdam niya ang paligid.

"The fvck- say something don't make me look stupid!"

"H-hindi po si ate D ang nandito. Ako lang po-"

"You entered my room without my permission?!"

"Hiningi ko nga ang permisyo niyo eh. Actually nga kumatok ako at tinawag kayo."

Alam mo na manumbat ngayon ghorl.

"And yet wala man lang ako narinig? Are you shitting me?!"

"Kasalanan ko pa ngayon kung dimo narinig ang pagkatok ko."

"What a bastos," bulong nito pero halatang parinig niya sa 'kin.

Ikaw ang bastos.

"Kung 'di kayo maniniwala, puntahan natin si manong guard at panoorin sa cctv ang ginawa ko." Inis kong sabi at akmang kukunin ang kamay nito ng lumayo siya sa 'kin.

 Love or MoneyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang