Chapter 27

12 7 0
                                    

Love or Money

[27] Guest





Ken's POV

Naiinis kong tinapon ang mga basurang nagkalat sa kwarto ng alaga ko. Nakakatakot pala kung magising ang isang animal. Dinaig pa niya ako kung magulat.

Bumalik ako sa loob ng nakanguso parin. Nakita ko pa si manong guard na nagtataka akong tinitigan.

"Umagang-umaga ang haba na agad ng nguso," nakangiti nitong biro.

Ngumiwi lang ako at inirapan siya. Hindi ko naman kasi kasalanan kung bakit siya nagulat. Malay ko ba kung gising na pala ang animal. Dire-diretso akong pumasok sa loob at nagtungo kaagad sa kusina para linisin ang madumi kong kamay.

Habang naghuhugas, naramdaman ko ang presensya ng kung sino sa likod ko. Hindi na ako nagatubiling pansinin pa ito ng kalabitin niya ang balikat ko sa likod.

"Nakita moba si D?" Boses 'yun ni pedring-- peter.

Tinapos ko ang ginagawa at walang ganang hinarap ito.

"Hindi ko alam eh. Hindi ko pa siya nakikita simula kaninang umaga." Walang gana kong sagot.

Tumango lang siya at nagpaalam na mauuna na muna. Bago pa niya ako lagpasan, may tinanong na ako sa kanya.

"Si ate D ba," mahina kong usal at tumingin naman siya sa'kin ng may pagtataka. "May relasyon ba kayo sa isa't-isa?"

Tumingin siya sandali sa likod bago ito dahan dahan na lumapit sa akin.

"Anong relasyon ang ibig mong sabihin?" Taka niyang tanong.

"Yun relasyon na, parang ano--"

"Oo... meron." Mabilis niyang sagot na ikinagulat ko.

"T-talaga? Kayo na ni ate D?" Nagugulat kong tanong.

"Anong kami?"

"Kayo... diba kakasabi mo lang. Kayo na ni--"

"Ahhh hindi ganun ang ibig kong sabihin." Natatawa niyang usal.

Kumunot ang noo ko. "Eh ano?"

"Magkaibigan lang ang relasyon namin ni D. Walang personalan 'yun." Nahihiya niyang sagot.

Napanganga ako sa sinabi nito. Lalong kumunot ang noo ko at naiinis siyang binatukan "A-aray naman," bulong nito habang hinihimas ang batok.

"Ikaw kasi kung ano-anong pinagsasabi mo. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin." Inis kong sigaw sa kanya. "Kung wala naman pala, dapat diniretso mona! Sinagot mo nalang sana ng wala!" Dagdag ko.

Nahihiya niyang kinamot ang ulo nito. "P-pasensya na hehe. Slow lang talaga ako minsan."

"Halata nga!" Sigaw ko at naiinis siyang iniwan.

Bahala kang hanapin magisa si ate D!

Kainis siya! Ang ganda ng gising ko sisirain lang nila ni kyle. Idagdag pa si G na hanggang ngayon hindi pa ata nagigising. Didiretso sana ako sa taas ng maalala ang sinabi sa'kin ng alaga ko.

"Don't ever come near me until your brain is fix!!"

Hindi daw muna ako lalapit sa kanya hanggang sa maipaayos ko ang utak. Saan ba dito ang repair shop? Baka pwede nilang maayos ang sira kong utak.

Tulala akong umupo sa mahaba nilang sofa. Hindi ko alam kung bakit pero feel ko nalang maging tanga kahit ngayong araw lang.

Sandali pa akong tulala ng tawagan ng kung sino ang pangalan ko.

 Love or MoneyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum