Chapter 17

17 8 0
                                    

Love or Money

[17] Visit




Ken's POV

"Kuya dito na dito na dito na." Paulit ulit kong sabi sa animal na driver.

Sumobra ata siya ng galing magmaneho. Sa sobrang bilis nito magpatakbo, kulang nalang dalhin niya ako sa langit. Tapos lagpas na siya sa hospital.

"Dito na po ba ma'am?" Tanong nito sa'kin.

Ay hindi dun pa kuya oh.

Dun pa.... dun sa bakanteng lote na pinagtatapunan ng basura dun mo ako dalhin! Kingina nakakainis siya ng araw. Hindi ko siya sinagot at binigay nalang ang bayad ko. Agad akong bumaba at tinignan muna ang paligid.

Ang tahimik naman. Wala man lang ako naririnig na mga ingay o kahit man lang iyak ng sanggol. Ito talaga ng tinatawag nilang peace.

Peace of shit nilang lahat ayoko sa hospital!! Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko sinimulan lumakad palapit sa pinto. Nilagpasan ko lang 'yun security na nagbabantay sa pinto at akmang papasok na sana ng diretso sa loob.

Wrong timing siya!!

Tinawag ako ng security at naiinis akong humarap sa kanya. Kung mamamalimos ka lang pasensyahan nalang tayo wala akong dala ngayon. Lumapit sa sa'kin at bigla nalang hinawakan ang braso ko. Nagugulat akong tumingin sa animal.

"Ma'am dito muna tayo sandali."

Anong tayo?! Walang tayo kuya.

Walang tayo kaya bitawan mo na ako kingina mo!!

"Ano ba 'yun kuya? Papasok lang naman ako sa loob ah, anong masama dun?" Inis kong tanong.

"Wala pong masama dun ma'am. Ang masama lang kasi basta basta nalang kayo pumapasok ng walang binasa sa labas." Magalang niyang sagot.

"Anong ba kasi 'yun kuya. Kasi nagmamadali ako baka pwedeng pakibilisan." Sarkastikong sabi ko.

Tinuro niya ang labas ng pinto at tumingin ako doon. Sinabi niyang lumabas ako at basahin ang nasa tabi ng pinto. Kingina ang daming kaartehan. Naiinis akong bumalik sa labas at hinanap ang nakasulat na kung ano man ito.

Oh asan dito king*na mo?!

Nilibot ko ang paningin ko pero wala talaga. Tinignan ko muli si manong guard at sinabing wala naman. May tinuro ulit ito malapit sa pinto kaya naman tumingin ako dun. Bigla nalang ako nainis ng makita kung ano ito.

Isa iyong maliit na karton at may nakasulat dito. ID before you enter. 'Yun ang nakasulat sa maliit na karton. Bakit ba ang liit nito?! Paano nila 'to mapapansin kung sa sobrang liit naman nito. Tumango tango ako habang binabasa ang nakasulat dun. He'to na ang problema.

Wala akong Id. Ni Id nun nagaaral pa ako hindi ko alam kung nasaan na. Malamang tinangay na ng mga aso. Kung saan saan ko lang kasi nilalagay ang Id ko dati tapos ngayon boom kailangan pala.

At ngayon pa talaga.

Nahihiya akong lumapit sa security. Tinignan niya ako at parang hinihintay niya 'yun respond ko. Tumingin ako dito ng nakangiti pero 'tong si manong guard, sergoso niya akong tinignan.

"Id niyo po ma'am." Sabi nito sabay lahad ng kamay.

Kinamot ko ang ulo. "A-ano kasi kuya eh... nagmamadali kasi ako. Baka pwedeng ipagpaliban mo nalang 'to sa isang--"

"Pasensya na ma'am pero hindi talaga pwede eh."

"Eh paano na ako makakapsok niyan? Paano na 'yun tatay ko. Nandun siya sa loob baka hinahaap na niya ako kuya. Papasukin mo nalang ako. Sige na naman oh." Pagmamakaawa ko dito.

 Love or MoneyWhere stories live. Discover now