Chapter 35

12 5 0
                                    

Love or Money

[35] Unexpected





Ken's POV

Slurpppppp! Ahh.

Nakakatanggal talaga ng stress ang chuckie. Talagang ang sarap kapag ibang tao ang nagbigay.

Kasabay ng pagrelax ko, ay ang kasabay ng pagkatunganga ko. Kahapon pa ako hindi mapakali. Hanggang ngayon si jiro parin ang laman ng utak ko. Parang minanipula niya ako at hindi ko siya malimot limot.

Tarantadong 'yun!

Kumuha ako ng isa pang chuckie at sinipsip ng diretso ang laman. Nanggigigil ako sa engot na 'yun. Pinanginginig niya ang buong sikmura ko.

Patuloy parin ako sa ginagawa hanggang sa maramdaman ko ang presensya ng kung sino. Hindi ko 'to tinapunan ng tingin at patuloy parin na kumukulo ang dugo ko sa inis. Tangina mo jiro! 'Wag na 'wag ka lang magpapakita sa'kin. Talagang kay kamatayan na talaga ang bagsak mo.

Hindi ko namalayang ubos na pala ang chuckie ko. Akmang kukuha ng isa pa, ng magulat ako sa nakita ko.

Isa pang animal!

Nakangiti ng nakakatakot ang magaling kong kapatid habang tumataas taas ang parehong kilay. Kumunot ang noo ko at binigyan siya ng matalim na tingin.

"Problema mo?" Kunot noo kong tanong.

Nagkibit balikat siya. "Wala akong problema. Ikaw ang meron." Turo nito sa akin.

"At ano namang proproblemahin ko?"

"Yun sa inyo ni jiro kahapon."

Nilayo ko ng konti ang muka at naiinis na tumingin sa ibang direksyon. Tsismosong animal!

"Hindi ka makasagot no?" Pangbibiro nito. "Siguro ang tawag sa inyo ay.... kayo na." Dagdag pa niya na ikinainis ko.

"Gago kaba?"

"Hindi. Pero ang cute ko."

Napangiwi ako. Ang kapal. Baka ang susunod dito ay ang gwapo niya. Mababagyo na ang bahay sa sobrang hangin niya.

"Walang cute na mukang unngoy." Parinig ko,

Tinulak niya ako dahilan para mahulog ang lahat ng kalat ko. Napabuga ako at naiinis na tumingin sa kanya.

"Ba't ka nanunulak?"

"Eh hindi naman kasi ako unggoy."

"Sinabi ko bang unggoy ka?"

"Oo. Kakasabi mo lang diba."

"Sinabi ko ba ang pangalan mo?"

"Hindi. Pero alam kong ako 'yun."

Napangiti ako ng nakakaloko. "Yun naman pala eh. Alam mo naman palang unggoy ka. Sana hindi kana nagtanong."

Kumunot ang noo nito. "Sabagay. Kung ako cute na unggoy ikaw..."

Inis akong napatingin sa kanya habang hininhintay ang susunod nitong sasabihin.

"Abnormal na--" Akmang tatakbuhin ang gago, ng hablutin ko ang damit nito.

"Ano 'yun? Hindi ko ata narinig." Seryoso kong usal habang hawak hawak parin ang damit nito.

Napangiti ito at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa damit niya.

"W-wala. Ang sabi ko ab--" napatigil siya. "Abait mong unggoy. 'Yun ang-- aray!"

"Ba't may unggoy?"

 Love or MoneyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz