Chapter 58

13 5 0
                                    

Love or Money

[58] GoodBye





Ken's POV

Palakad lakad ako at hindi mapakali. 'Yong totoo, nasaan ba dito ang emergency room?! Baka naman nasa maling hospital lang ako.

"Ma'am ken, sigurado kabang nandito ang tatay mo?" Tanong sa 'kin ni pedring-- peter.

"Hindi ko nga rin alam eh. Hindi na ako sinasagot ng unknown number na kapatid ko lang naman may ari." Irita kong sabi habang tinitipa ang cp kong bulok.

Hahagis ko 'to kapag hindi ko nahanap si tatay.

"Eh kung magtanong nalang tayo." Suhestyon naman ni kuya rick na isa ko pang bodyguard.

"Kanina kapa tanong ng tanong." Si peter ang sumagot.

Tumingin naman ako sa kabilang hallway kung saan may mga pintong malalaki.

"Manong rick," tawag ko sa isa kong bodyguard. "Dun." Turo ko sa kabilang hallway.

Kung wala siya dun, susunugin ko 'tong hos-- cp ko.

Nakakairita din minsan ang mga luha ko. Malapit lapit ko na rin masapak ang sarili ko kakaiyak. Hindi ka iyakin ken, kaya tumigil kana! Naglakad lang kami ng kasama ko hanggang sa marating namin ang pinakadulo ng building. Kalahi kong pader nalang ang kaharap namin ngayon.

Shang*na naman.

Kung bakit naman kasi may kasama pa akong bodyguard. Ayan tuloy nagmumuka akong mayaman. Isa pang oa 'tong si kyle. Dinaig niya pa si madam, kingna.

"Dun muna kami." Sabi ni peter at niyaya ang kasamang maghanap sa kabilang hallway.

Maling address ata kasi!

Nakarating ako sa kung saang planeta ng hospital na 'to. Muntik ko pang matisod ang sarili kung hindi lang nakaharang ang kalahi kong pader sa harap ko.

Nagtanong ulit ako sa nurse station. Nasa second floor daw ang destinasyon ko.

Second floor? Eh halos marating kona ang tuktok ng hospital!

Hinihingal ako nang makarating sa second floor. Halos hindi kona maramdaman kung paano huminga. Ginamit ko kasi ang hagdan at hindi ang shutang elevator. Pinapahiya niya kasi ang buo kong pagkatao, at ayoko na sa kanya. Tama na 'yun isang beses akong makasakay ng elevator.

Napahinto ako ng may mapansing tao na nakatayo sa tabi ng waiting chair. Nakayuko siya at mahigpit na hinahawakan ang cp nito.

Nandito lang pala ang hayop.

"Z-zohan."

Napatingala siya at unang napansin ko ang sabog nitong mata. Pati itsura niya hindi kona maintindihan pa kung anong nangyari dito.

"A-ate, bakit ngayon kalang?" Tanong niya ng makalapit ako.

Linunok ko muna ang laway kong malapit ng bumagsak sa sahig.

"A-asan ang tatay?" Alalang tanong ko. "Ayos l-lang ba siya? A-ano ng kalagayan n-niya?"

Napaiwas siya ng tingin. Ang simpleng galaw niyang 'yun, nagpapakitang may hindi magandang nangyari.

"Z-zohan--"

"B-bakit ngayon kalang ate?"

Kumunot ang noo ko. "Anong expect mo? Ngayon ko lang nalaman!"

Hindi siya nakasagot. "Nasaan ang tatay zohan? Sabihin mo kung nasaan siya!" Irita kong tanong.

"N-nasa private room siya." Sagot nito.

 Love or MoneyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin