Chapter 3

42 9 1
                                    

Love or Money

[3] Blind



Ken's POV

Pwede bang maglaslas muna. Or pwede bang laslasin kona muna mga kasama ko dito?

Naiinis kong itinabi ang ilan sa mga nakatay naming alaga. Kung sino man may gawa nito, mamamatay muna kayo kahit ngayong lang.

"Sino may gawa nito?!"

Mukang wala akong kausap dahil daig pa nila ang bingi kung umasta.

Bumuntong hininga ako. "Hello may kausap ba ako?!"

"Saan ka galing?" Diretsong tanong ni zohan.

Aba ang kapal. Ako unang nagtanong iba ang sinagot niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Naghanap ako ng maipapakain ko sa'yo."

Nagsalubong ang kilay nito at inis na lumapit sa'kin.

"Alam mo bang pinuntahan ka kanina nila loli dito!?"

Nagsalubong bigla ang kilay ko. Sila kaya may gawa nito?

"Anong sabi nila?! Nagbabanta na naman ba ang mga animal?! Sila ba may gawa nito?! At ang malala pa niyan alam ba'to ni tatay?!" Nagaalalang tanong ko.

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang si tatay ang kumausap sa kanila." Seryosong sambit niya.

Tangina dinamay kaya nila si tatay? Hindi kona siya pinatapos na magsalita ng dire-diretso akong pumasok sa loob para malaman ang kanina ko pa gustong malaman.

Saktong pagpasok ko nakita ko siya na nakaupo habang ginagamot ang paa ng alaga niya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Totoo ba?" Tanong nito ng hindi pa ako gaano nakakalapit sa kanya.

"A-ang alin?"

Huminga ito ng malalim. "May utang kaba kina loli?" Diretsong tanong nito.

Lumaki ang mata ko sa gulat at dahan dahang yumuko. Alam na naman niya. Alam niyang nagkautang ako kina loli pero bayad na ako. Kilala ni tatay ang grupo ng mga tarantadong 'yun kaya alam na alam niya kung paano din sila patigilin.

Gamit ang pagbabayad.

Nang wala siyang makuha na sagot, sandali niyang binitawan ang alaga nitong si chiki at dahan dahan na humarap sa akin.

"Ken nakikinig kaba?"

Hindi, malay ko ba bakit hanggang ngayon mukang pera parin sila.

"Diba sabi kona sayo, layuan mona ang gulo."

Hindi parin ako sumagot.

"Ken kailan kaba magbabago, ha? Ano nalang sasabihin sa'yo ng mga kamaganak natin? Ng mga tita at tito mo? Ang lola mo..... pati ang lolo mo."

Biglang nagsalubong ang kilay ko at nagkuyom ang palad ko.

"Ano nalang iisipin nila kung ganyan lagi ang inaatupag mo?"

 Love or MoneyWhere stories live. Discover now